CBCP nanawagan sa publiko na manatiling sumunod sa mga protocols ngayong panahon ng Semana Santa
- Published on April 11, 2022
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols lalo na ngayong maraming mga aktibidad ang nakatakdang ganap sa panahon ng Semana Santa.
Sa isang statement ay muling nagpaalala si CBCP President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa lahat na huwag pa rin na makakapante kahit na tuluy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na pagsunod sa mga ipinatutupad na protocols ng pamahalaan bilang proteksyon at upang tuluyan nang matapos ang pandemyang kinakaharap ng ating bayan.
Inilabas ng bishop ang kanyang pahayag kasunod ng naging babala ng Department of Health (DOH) na posibleng pagmulan muli ng surge ang ilan sa mga religious practices , tulad ng pahalik.
Samantala, nilinaw ni Bishop David na hanggang ngayon ay hindi pa rin hinihimok ang mga tao na gawin ang mga naturang religious practices kasabay ng pagsasabing marami pang ibang paraan upang magsakripisyo o magpepenitensya, tulad na lamang ng pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan.
Nakatakda ang pagsisimula ng Lenten Season, Palm Sunday, April 10 at magtatapos naman sa Easter Sunday, na gaganapin naman sa April 17.
-
Para manahimik ang mga Marites na ayaw siyang tantanan… AJ, dapat nang magpakita ng proof na ‘di siya nabuntis ni ALJUR
AYAW na ba ni KC Concepcion sa showbiz? Mas gusto na lang ba niya ang gigs niya abroad? Hindi kasi napapanood si KC sa anumang local show kaya nagtatanong ang kanyang mga followers bakit di active ang dalaga sa local showbiz. Isa pang tanong nila ay kung pinababayaan ba ni KC ang kanyang […]
-
Yap nawiwiling mag- golf
Hindi na lang sa pagdribol at pag-shoot naghahasa sa kasalukuyan si Philippine Basketball Association (PBA) star James Carlos Yap Sr. kundi sa pagsipat at pagpalo o paggo-golf. Pinaskil sa Instagram account nitong Sabado ng 38 taong-gulang, 6-2 ang taas at mula sa Escalante City, ang pamatay niyang porma sa golf. Sinasamantala […]
-
Ads June 12, 2024