• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Overseas absentee voting larga na

UMARANGKADA na kamakalawa ang ‘overseas absentee voting’ para sa Halalan 2022 na inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na sasamantalahin ng mahigit 1.6 milyong nakarehistrong botante.

 

 

Sa ilalim ng Overseas Absentee Voting Act, ang mga rehistradong botante sa abroad ay pipili ng presidente, bise-presidente, mga senador at party-list groups.

 

 

Ayon sa Comelec, ang United Arab Emirates ang may pinakamalaking bilang ng rehistradong absentee voting na nasa 290,182.

 

 

Nagkaroon naman ng bahagyang kaguluhan sa Hong Kong nang ipatigil ng konsulada ang pagboto dahil sa hindi na makayanang tanggapin ang mga dumagsang botante sa unang araw ng OAV. Nasa higit 93,000 ang rehistradong botante doon. Hinimok na lang ng konsulado ang mga botante na bumoto sa ibang araw.

 

 

Nasa higit 150,000 naman ang aktibong rehistradong botante sa buong Europa. Ang Italya ang may pinakamarami na umabot ng 38 libo kasunod ang United Kingdom, mahigit 30 libo at Espanya na mahigit 20 libo.

 

 

Sa konsulado ng Pilipinas sa Milan, magpapatupad ng ‘mixed-mode voting’ o parehong personal at postal voting.

 

 

Postal voting din ang ipatutupad sa Philippine Embassy sa Rome, Albania, Malta at San Marino. Personal voting naman ang ipatutupad sa Philippine Embassy to the Holy See.

 

 

Ang local absentee voting ay tatagal hanggang sa Mayo 9, araw ng eleksyon dito sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Pagdanganan may pag-asa sa Summer Olympic Games

    BIGATIN talaga ang pagtapos ni Bianca Pagdanganan sa apat na magkakatabla sa ikasiyam na puwesto sa nitong lang Oktubre 8-11 na 58th KPMG Women’s Professional Golf Association (PGA) Championship 2020 sa Newtown Square, Pennsylvania, USA.   Ang halaga ang nagbigay sa 22 taong-gulang na tubong Quezon City at bagito pa lang na propesyonal na manlalaro […]

  • Saso nasa ika-61 puwesto

    TUMIRADA si Yuka Saso ng even-par 72 para makihanay sa 15 magkakatabla para sa 61st place sa pagbubukas Biyernes ng ¥100M (₱44.5M)  12th T point x Eneos golf tournament sa Kagoshima Takamaki Country Club sa Kagoshima Prefecture, Japan.     Kaya kailngang magtrabaho nang todo ng 19-anyos na Fil-Japanese na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan […]

  • ICC, walang hurisdiksyon sa Pinas; hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon- PBBM

    MULING iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas at hndi rin makikipagtulungan ang kanyang gobyerno sa imbestigasyon ng ICC sa “war on drugs” ng nakalipas na administrasyon.     Hiningan kasi ng paglilinaw ang Pangulo sa napaulat na nasa Pilipinas ang mga kinatawan ng ICC […]