Balanseng training susi ng Creamline
- Published on April 12, 2022
- by @peoplesbalita
TAGUMPAY na nairaos ng Sports Vision Management Group, Inc. ang 2nd Premier Volleyball League 2022 Open Conference nitong Marso 16-Abril 8 na mga ginanap sa Paco Arena sa Maynila, The Arena sa San Juan City, Mall of Asia Arena sa Pasay at Ynares Center sa Antipolo.
Pinagreynahan ang siyam na koponang torneo ng Creamline na winalis sa best-of-three finals (2-0) ang Petro Gazz. Kumukumpleto sa podium finish ang Cignal na wagi via tiebreak tapos mag-1-1 ang race-to-two win series kontra Choco Mucho.
Ang pumang-apat hanggang pumangsiyam sa torneo ay ang Flying Titans, PLDT, F2 Logistics, Black Mamba Army, Chery Tiggo at BaliPure.
Sa post game interview ng ilan kong mga kabaro, isiniwalat ni Finals Most Valuable Player Cool Smashers skipper Alyssa Valdez ang naging susi ng team sa tagumpay.
“We’re just so grateful sa mga coaching staff namin. Alam nila kung paano ang training namin, well-balanced talaga, and I think that was one of our advantages coming to this season,” litanya ng 28-taong-gulang, 5-9 ang taas na dalagang tubong San Juan, Batangas.
Kasama rin sa mga pinarangalan ang tropa niyang si Conference MVP/Best Opposite Spiker Diana Mae Carlos, HD Spikers Frances Xinia Molina (1st Best Outside Spiker), Roselyn Doria (1st Best Middle Blocker), Marivic Velaine Meneses (2nd Best Middle Blocker) at Maria Angelica Cayuna (Best Setter).
Kumukumpleto sa awardees sina Angel Grethcel Soltones (2nd Best Outside Spiker) at Cargo Mover Dawn Nicole Macandili (Best Libero).
Sa pagmaando ni coach Sherwin Meneses, ang iba pang kasapi ng Creamline ay sina Kyle Angela Negrito, Risa Sato, Fille Cainglet-Cayetano, Jeanette Panaga, Jorella Marie De Jesus, Maria Paulina Soriano, Kyla Llana Atienza, Julia Melissa Morado-De Guzman, Celine Elaiza Domingo, Rizza Jane Mandapat, Jessica Margarett Galanza at Rosemarie Vargas.
Mula po sa OD, mabuhay po kayong lahat! (REC)
-
Isang saludo sa Fineguard mask
ILALARGA ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang Fineguard Sport National Half-Marathon Virtual Challenge upang mabigyan ng aktibidad ang komunidad na patuloy na nalilimitahan sa mga galaw dahil sa Covid-19. Patuloy na bawal ang mga aktibidad na nagtitipon sa maramihang tao at hindi pa posible ang malalaking running event dahil sa […]
-
PCSO chair, pinuri positibong epekto ng Bagong Pilipinas Service Fair
PINURI ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Junie E. Cua ang positibong epekto ng programa tulad ng “Bagong Pilipinas Service Fair” sa pagpapalapit ng pamahalaan sa mga mamamayan. “Programs such as the Bagong Pilipinas Service Fair have a positive impact on our communities. Dahil sa mga programang ganito na gobyerno mismo ang […]
-
Walastik si Super Sonic
BINALANDRA ni Super Sonic ang taglay na tulin sa huling 50 metro upang pamayagpagan ang kahaharurot na Condition Race (16) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Tinutukan ng Presidential Gold Cup winner na SS sa pagrenda ni former Philippine Sportswriter Association (PSA) Jockey of the Year Jessie Guce ang pumailanlang kaagad […]