• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ateneo, La Salle muling magtutuos!

MULING magkukrus ang landas ng mortal na magkaribal na Ateneo de Manila University at De La Salle University sa pagsisimula ng second round ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 men’s basketball tournament ngayong araw sa Mall of Asia Arena.

 

 

Nakatakda ang bakbakan ng Blue Eagles at Green Archers sa alas-7 ng gabi habang masisilayan din ang duwelo ng NU at UP  sa alas-10 ng umaga.

 

 

Lalarga rin ang laro ng FEU Tamaraws at Adamson University sa alas-12:30 ng tanghali kasunod ang laban ng University of Santo Tomas at University of the East sa alas-4:30 ng hapon.

 

 

Mas magiging exciting ang laban ng Ateneo at La Salle sa pagkakataong ito dahil mayroon nang fans na inaasahang daragsa sa venue.

 

 

Hindi tulad noong Abril 2 sa kanilang unang pagtutuos kung saan nakuha ng Blue Eagles ang 74-57 panalo sa venue na walang expectators.

 

 

Target ng Ateneo na makuha ang ikawalong sunod na panalo upang mapatatag ang kapit nito sa solong pamumuno.

 

 

Sariwa pa ang Blue Eagles sa 91-80 panalo sa Growling Tigers noong Sabado para makumpleto ang first-round sweep.

 

 

Nadugtungan din ang winning streak ng Ateneo sa 33 games na nagsimula noon pang 2018.

 

 

Subalit walang balak magpakampante ang A­teneo  dahil alam ng tropa na mas magiging matindi ang labanan sa second round.

 

 

Desidido rin ang La Salle na makaresbak sa pagkakataong ito.

 

 

Mataas din ang moral ng Green Archers na matikas na isinara ang first round sa bendisyon ng 61-58 panalo sa Soaring Falcons.

 

 

Okupado ng La Salle ang No. 3 spot bitbit ang 5-2 marka.

Other News
  • DA Usec. Leocadio Sebastian nag-resign kasunod nang unauthorized resolution sa pag-import ng 300,000MT ng asukal

    BOLUNTARYONG nag-resign na sa kanyang puwesto si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian matapos na mabulgar ang hindi otorisadong balakin na pag-angkat sana ng 300,000 metric tons ng asukal.     Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Biyernes ng gabi.     Si Sebastian ang tumatayong undersecretary for operations and chief-of-staff ni Pangulong Ferdinand […]

  • PDu30, personal na nagpaabot nang pagbati sa mga miyembro ng PSG na nakapasa sa Bar exams

    PERSONAL na binati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na pumasa sa 2020/2021 bar examinations.     Sa isang text message, sinabi ni PSG spokesperson Major Zeerah Blanche Lucrecia, na nakipagkita ang mga bar passers kay Pangulong Duterte para sa isang photo opportunity sa Malago Clubhouse sa Malakanyang […]

  • Olympic meeting kanselado, preparasyon naantala vs COVID-19

    KINANSELA ang gagawing sports conference ng mga Olympic stakeholder sa Beijing dahil sa coronavirus outbreak.   Dahil dito ang nasabing pagpupulong na gaganapin mula April 19 hanggang 24 ay gagawin na lamang sa Lausanne, Switzerland.   Magpapalitan kasi ng mga idea ang iba’t ibang sports governing bodies, tatlong buwan bago ang gaganaping Tokyo Olympics.   […]