PDu30, handang harapin si Gordon sa public debate
- Published on April 14, 2022
- by @peoplesbalita
HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Roa Duterte na harapin sa public debate si Senador Richard Gordon kung hahamunin siya nito.
Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, tinawag ni Pangulong Duterte na “magnanakaw” si Gordon dahil sa di umano’y pagkakasangkot nito sa korapsyon sa Philippine Red Cross (PRC), kung saan siya ang tumatayong chairman.
“If you want to engage me in a debate in public, okay, I will,” ayon sa Pangulo sabay sabing alam niya kung ano ang case number ni Gordon.
Ang case number ay tumutukoy sa identification number na in-assigned ng clerk of court sa isang criminal case.
“I have your case number, Mr. Gordon,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, binatikos naman ng Chief Executive si Gordon dahil sa tumatalsik nitong laway habang nagsasalita.
“Kaya kung magpunta kayo sa mga rally nandiyan si Gordon, magdala kayo ng payong,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
-
May milagro kay Black
NAGAGALAK at pasalamat si incoming Meralco sophomore professional Aaron Black sa pagkakasama niya top five candidates para sa Outstanding Rookie award ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Online Awards sa darating na Linggo, Enero 17. “Definitely an honor to be considered as one of the better rookies of the (Philippine Cup) bubble,” litanya […]
-
IATF, NHA namahagi ng 672 housing units sa Capiz – Nograles
Pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasama ang national and local officials ang 14th virtual turnover ceremony ng Yolanda housing units, sa pagkakataong ito ay sa bayan ng Ivisan, Capiz noong Nobyembre 17, 2020 sa ilalim ng pangangasiwa ng Yolanda Permanent Housing Project sa Rehiyon 6. Si Nograles, ang namumuno sa Inter-Agency Task Force […]
-
PBBM, kasama sa ‘100 Most Influential People of 2024’ ng Time Magazine
KASAMA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “100 Most Influential People of 2024” ng Time Magazine. Kinilala ng Time Magazine ang pagsisikap ni Pangulong Marcos sa ‘economic recovery’ matapos ang COVID-19 pandemic at kung paano itinaas ng Pangulo ang Pilipinas sa “world stage.” Hindi rin nakaligtas sa Time Magazine ang paninindigan […]