Presidentiable Ka Leody ligtas, 4 sugatan sa pamamaril ng ‘private armies’ ng mayor sa Bukidnon
- Published on April 21, 2022
- by @peoplesbalita
APAT ang sugatan na mga Manobo-Pulangiyon tribe at mga kasamahan ng presidential candidate na si Ka Leody De Guzman sa pamamaril ng mga umano’y private armies ni Quezon, Bukidnon Mayor Pablo Lorenzo III dakong alas-11:30 kaninang umaga sa Barangay Botong, Quezon, Bukidnon, ito ang inihayag ni De Guzman sa panayam.
Ayon kay De Guzman, kabilang sa mga nasugatan ay ang katabi nitong si Ka Nanie at mga Manobo tribe na sina Datu Arroyo, isang nagngangalang Ager at si Robert Nabatian.
Nangyari ang pamamaril sa kanila nang magsisimula na sanang magtayo ng kanilang mga bahay ang mga Manobo sa apat na ektaryang lupa na inaangkin umano ni Mayor Lorenzo.
Ang nasabing lupa ay bahagi lamang ng 900 ektarya na ancestral domain ng mga Manobo na kinakamkam umano ng alkalde. (Daris Jose)
-
Mga pasilidad ng PSC nananatiling sarado
Mananatiling sarado ang mga sports facilities ng Philippine Sports Commission (PSC) habang wala pang nakukuhang ‘green light’ mula sa Inter-Agency Task Force (IATF). “All PSC sports facilities in RMSC and Philsports Complex remain closed until further notice,” pahayag ng sports agency kamakalawa. Ilang linggo matapos pumutok ang coronavirus disease (COVID-19) noong Marso ay […]
-
NAVOTAS lumagda sa MOA upang magtatag ng School Peso Desk
PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic College (NPC) at lahat ng senior high school sa Navotas. Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOA kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. […]
-
Gobyerno, hindi gagamitin ang pension funds bilang seed funds para sa Maharlika
WALANG BALAK at hindi kailanman naisip ng gobyerno na gamitin ang state pension funds bilang “seed fund” para sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF). Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pension funds ay maaaring i-invest sa panukalang sovereign wealth fund kung sa tingin ng mga ito ay ito’y “good investment.” […]