• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

₱40B COVID-19 vaccines, maaaring masayang dahil sa mababang vax turnout — Concepcion

NAGBABALA si Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na may ₱40 bilyong halaga ng COVID-19 vaccine doses ang malapit nang mapaso’ o ma-expire at masayang lamang bunsod ng mababang immunization turnout.

 

 

“Yes, I’m told the cost of all of these vaccines amount to ₱40 billion.” Concepcion said in a public briefing. “Siyempre iba diyan dinonate ng COVAX facility, so wala naman bayad tayo diyan. I think it’s about, If I’m not mistaken, about 30 million vaccines.”ayon kay Concepcion.

 

 

“Aside from ‘yung pera na bilyon ang masasayang, syempre ‘yung mga vaccines na that will be available at that time, mas kakaunti,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Siyempre, you cannot use an expired vaccine.”

 

 

Matatandaang sinabi ni Concepcion na may 27 milyong bakuna na binili ng gobyerno at pribadong sektor ang nakatakdang ma-expire sa Hulyo.

 

 

Ang halaga ng perang masasayang dahil dito ay ₱13 bilyong piso.

 

 

“As of April 18,” makikita sa data ng pamahalaan na may kabuuang 114.78 milyong indibiduwal ang nabakunahan laban sa COVID-19. sa nasabing bilang, 72.01 milyon ang nakatanggap ng one dose; 66.97 milyon naman ang fully vaccinated; at 12.68 milyon ang nakatanggap ng booster shots.

 

 

Dahil dito, hinikayat ni Concepcion ang publiko na magpabakuna na upang mapanatili ang “wall of immunity” sa bansa.

 

 

“We are trying not just to save these vaccines from getting wasted, but what’s more important is we are trying to save yung economy natin,” ayon kay Concepcion. (Daris Jose)

Other News
  • 2 DRUG SUSPECTS NALAMBAT SA HIGIT P.9M SHABU

    Dalawang drug suspects ang  nalamabat ng mga awtoridad matapos bentahan ng shabu ang isang police poseur-buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.   Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas na ang pagkakaaresto kay Albert Ryan Pascual, 45 […]

  • P55-M halaga ng shabu nasabat ng PNP DEG; 2 drug couriers arestado

    Nasa P55-million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng tauhan ng PNP Drug Endforcement Group (DEG) sa dalawang drug couriers sa ikinasang buy-bust operation sa Paranaque City noong, December 5,2020. Ang dalawa ang nasa likod sa pag-transport ng mga iligal na droga mula Metro Manila patungong Mindanao.   Kinilala ni PNP DEG Director BGen. […]

  • Padilla balik sa putukan

    MULING magpapaputok buhat sa siyam na taong pagreretiro si multi-titled shooter Nathaniel ‘Tac’ Padilla para palakasin ang national team sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa darating na Nobyembre 21-0Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.     Ito ang ibinunyag Biyernes ng gabi sa People’s BALITA Sports  ni Philippine National Shooting Association (PNSA) pistol director Ronaldo […]