Bagong number coding scheme pinag-aaralan
- Published on April 22, 2022
- by @peoplesbalita
May bagong number coding scheme ang pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipapatupad kung saan dalawang (2) araw sa isang (1) linggo na bawal ang pribadong sasakyan na lumabas sa mga lansangan.
Inihayag ito ni MMDA chairman Romando Aries sa isang panayam na ginawa noong nagkaron ng President Duterte’s Talk to the People na pinalabas noong nakaraang linggo.
Ayon kay Aries ay may tatlo (3) silang pinag-aaralan na mungkahi para sa number coding scheme na ipapatupad. “This will reduce the number of cars on the road by 40 percent,” wika ni Artes.
Ayon sa number coding scheme na ipapatupad ng MMDA, ang mga sasakyan na may plate numbers na nagtatapos sa 1 at 2 ay hindi papayagan na lumabas sa lansangan ng Lunes at Miyerkules; 3 at 4 ng Lunes at Huwebes; 5 at 6 ng Martes at Huwebes; 7 at 8 ng Martes at Biyernes; habang ang 9 at 0 ay bawal ng Miyerkules at Biyernes. Ang number coding scheme ay epektibo mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.
Habang ang mga pampublikong sasakyan kasama ang technology at app-based transportation network vehicle services ay exempted naman sa number coding scheme na gagawin.
“The target date is on May 1, but it may be adjusted to May 16 because this is in preparation for the upcoming return of classes in June. From the moderate to heavy, we are expecting the traffic flow on roads to be light to moderate, and that the traffic would be smoother,” dagdag ni Artes.
Tinitingan din ng MMDA ang mungkahi ng odd-even scheme kung saan ang mga sasakyan na may license plates na nagtatapos sa odd numbers ay hindi papayagan na lumabas at tumakbo ng Lunes at Huwebes habang ang may license plates na nagtatapos sa even numbers ay bawal naman na lumabas kada Martes at Biyernes.
Sa scheme na ito, ang odd-even rule ay hindi ipapatupad tuwing Miyerkules. Ayon sa paraang ito, ang presence ng mga sasakyan sa Metro Manila ay inaasahang mababawasan ng 50 percent.
Sa ngayon, ang number coding scheme ay bawal ang mga pribadong sasakyan na may plate numbers na nagtatapos sa 1 at 2 ay bawal tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes habang ang 9 at 0 ay bawal tuwing Biyernes. Sa ngayon na number coding scheme, ang dami ng sasakyan sa lansangan ng Metro Manila ay nababawasan lamang ng 20 percent. LASACMAR
-
Dagdag kontribusyon idinepensa ng PhilHealth
IDINEPENSA ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang isinusulong nilang mas mataas na kontribusyon para sa kanilang mga miyembro at sinabing kinakailangan ito para sa kanilang plano na palawakin pa ang kanilang coverage. Ayon kay PhilHealth CEO Emmanuel Ledesma Jr., sa ilalim ng kanilang planong expansion of coverage, hindi na kakailanganin pa ng […]
-
Gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo malabo para sa Asian Games SEAG
MALABONG maipagtanggol ni 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang kanyang mga titulo sa darating na 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia, maging sa pagsabak sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China ngayong taon dulot ng mga nakatakdang lahukang kwalipikasyon para sa 2024 Paris Olympics. Isiniwalat ni head coach Julius Naranjo […]
-
Pagpapaliban ng barangay, SK elections, niratipikahan
NIRATIPIKAHAN na ng Kamara ang bicameral conference committee report kaugnay sa pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, na nakatakdang gawin ngayong Disyembre. Sa inaprubahang bersyon ng Bicam ay sa huling Lunes ng Oktubre 2023 idaraos ang Barangay at SK elections kung saan ang mga mananalo sa naturang eleksyon ay manunungkulan sa […]