PDu30 sa PNP at AFP: Be ready for Russia-Ukraine war spillover
- Published on April 23, 2022
- by @peoplesbalita
SINABIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na ihanda ang sarili para sa potensiyal na ‘spillover’ sa Asya ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa idinaos na graduation rites ng PNP Academy “Alab-Kalis” Class of 2022 sa Silang, Cavite, sinabi ni Pangulong Duterte na nakipagkita at nakipagpulong siya sa mga pulis at militar upang balaan ang mga ito sa posibleng ‘spillover’ ng Russia-Ukraine conflict sa Pilipinas.
“Nagwa-warning lang ako that things might go overboard. Itong gulo na ‘yun. Isang pagkakamali diyan, may problema na tayo ,”ayon sa Pangulo.
Hindi naman na nagbigay ng karagdagang detalye si Pangulong Duterte hinggil sa kamakailan lamang niyang pagkikipagpulong sa mga opisyal ng PNP at AFP subalit sinabi ng Punong Ehekutibo na inatasan niya ang tropa ng Pilipinas na maging “handa” sa posibleng kaganapan na paglulunsad ng Russia ng nuclear war laban sa Ukraine.
“Kaya sinabi ko, tinawag ko ‘yung PNP pati ‘yung armed forces. Sinabi ko kapag magulo na, trabaho na ng pulis pati army iyan, the Armed Forces of the Philippines. Be ready for that ,” aniya pa rin.
“Kaya pag ganoong magulo, it’s war. We may be dragged into or something might really happen also kasi kasama-kasama iyan eh. Inyong problema na,” ani Pangulong Duterte sabay sabing “Kung hindi mangyayari, magpasalamat tayo sa Diyos.”
Gayunman, pinuri naman ng Pangulo ang tropa ng Pilipinas dahil mahusay nitong ginagampanan ang kanilang mandato na maglingkod sa bayan sa kabila ng kamakailan lamang na global challenges.
“I commend you for remaining true to your mission to keep citizens safe amidst the recent struggles and uncertainties that the world is facing,” ayon sa Punong Ehekutibo. (Daris Jose)
-
Request ng Indo govt para sa katahimikan ng Veloso case, iginagalang ng Pinas- PBBM
GINAGALANG ng Pilipinas ang ‘request’ ng Indonesian government na iwasan ang anumang pagpapalabas ng pahayag o kalatas kaugnay sa kaso ng death row convict Mary Jane Veloso. “We were asked by the Indonesian government not to make any announcements until everything is settled. So, let’s respect that request,” ang sinabi ni Pangulong […]
-
Hindi ako ang PBA GOAT – “The Kraken”
PAHINGA na si June Mar Fajardo dahil sa injury sa halos buong 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020, pero nagmarka na siya sa nakalipas taon na maaaring mas mataas pa sa kanyang 6-foot-10 na tangkad. Katotohanan ito nang pang-anim na sunod niyang Most Valuable Player award na tinanggap sa Leopoldo Prieto Awards 444h PBA […]
-
Panukalang “foundling welfare act”, pasado sa huling pagbasa sa Kamara
NAGKAKAISANG ipasa sa huling pagbasa ng kamara ang House Bill 7679 o ang “Foundling Welfare Act.” Layunin ng panukala na itaguyod ang mga karapatan ng mga ulila o abandonadong kabataan na walang pagkakakilanlang mga magulang at pangalagaan ang kanilang mga estado bilang natural-born Filipino citizens, at parusahan ang sinumang aabuso sa kanilang mga kapakanan. […]