• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi ako ang PBA GOAT – “The Kraken”

PAHINGA na si June Mar Fajardo dahil sa injury sa halos buong 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020, pero nagmarka na siya sa nakalipas taon na maaaring mas mataas pa sa kanyang 6-foot-10 na tangkad.

 

Katotohanan ito nang pang-anim na sunod niyang Most Valuable Player award na tinanggap sa Leopoldo Prieto Awards 444h PBA Season 2019 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

 

Umupo electric single-seater tricycle ang San Miguel Beer slotman para hindi mabugbog ang kanang paa na nabali at sumailalim na sa operasyon nitong Enero.

 

At sa dami ng koleksiyon niyang MVP trophies, maaring sabinang nang siya na ang greatest of all time o GOAT ng propesyonal na.

 

“Hindi naman,” mahinang pero nakangiting tugon ng basketbolistang Cebuano. “Maraming mas magagaling. Kung ano lang ‘yung bigay ni God sa atin, thankful tayo du’n.”

 

Maaaring sa kalagitnaan na ng season-ending Governors Cup makabalik sa court si The Kraken.

 

All-smiles ang higanteng habang kinukuha ang award, kahit nanghihinayang na matetengga siya nang matagal.
“Baka may plano si God sa akin,” pahabol niya.

 

Kasama ni Fajardo ang mga magulang na sina Bonifacio at Maritess sa entablado sa record na limang MVP awards noong isang taon, na pinahaba pa niya sa tagpong ito.

 

“Who knows, ‘di ba?” anang 30-anyos na mainstay sa posibilidad na makapito pang MVP trophy.

 

“For sure, gusto kong makabalik soon kasi gusto kong makatulong sa team,” wakas ni Fajardo. “Pero sinasabi ng doctors, coaches, management na huwag ko madaliin. So, kontrol lang sa sarili.”

 

Sa award ay awtomatikong nasama si June Mar sa pang-anim na sunod din niya ring First Mythical Team selection sina Jayson Castro ng Talk ‘N Text, Christian Standhardinger at Sean Anthony ng NorthPort, at Christian Jaymar Perez ng Columbian Dyip.

 

Si Perez din ang tinanghal na Rookie of the Year.

 

Nasa All-Defensive Team din sina Fajardo at Perez kasama sina Beerman Christopher Ross, Anthony, at Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra San Miguel.

 

Swak sa Second Mythical Team sina Roger Ray Pogoy at Jeth Troy Rosario ng TNT, Stanley Pringle, Jr. kapwa Gin King Aguilar, at Ian Sangalang ng Magnolia Hotshots.

 

Itinaas ni Gabe Norwood ng Rain or Shine ang pangatlo niyang Avelino Lim, Jr. Sportsmanship award, Sii Moala Tautuaa ng SMB nakopo ang una niyang individual recognition bilang Most Improved Player.

 

At sa unang pagkakataon ay namigay ng ibang awards ang PBA. Team Staff si league pioneer ballboy Raffy Hanopol, PBA Loyal Employee si ticketing official Gerry Mesias, at Bida Fans sina Jhun ‘Sharon’ Nuestro at Tess Villanueva.

Other News
  • P13 milyon halaga ng shabu nasabat sa Caloocan, bebot timbog

    MAHIGIT P13 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 25-anyos na babae na tulak umano ng illegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng hapon.     Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Director PBGEN Remus Medina ang naarestong suspek na si […]

  • SMC susunod sa patakaran ng TRB sa 3-strike policy sa mga RFID lanes

    Susunod ang San Miguel Corporation (SMC) sa patakaran ng Toll Regulatory Board (TRB) na magpatupad ng “three-strike” policy para sa mga motoristang  gumagamit ng electronic payment collection lanes kahit na kulang na ang load credits.     “Our system is capable of monitoring repeat offenders,” wika ni SMC president at chief operating officer Ramon Ang. […]

  • JUDY ANN at RYAN, humabol para magpa-rehistro dahil gusto ng pagbabago; nanghihikayat ‘to unite and vote’

    DAHIL na rin siguro sa pandemic at ang situwasyon na kinaharap ng mga Filipino sa bansa at sa nakikitang ginagawa lang ng gobyerno kung bakit tila mas marami ngayon, kahit sa mga artista ang tila “nagising” na.     Sunod-sunod ang mga artist ana nagpo-post ng kanilang pagpapa-rehistro sa Comelec. Akalain mo ‘yun na sa […]