‘Censorship ito’: Facebook sinuspinde raw tagapagsalita ni Bongbong Marcos
- Published on April 27, 2022
- by @peoplesbalita
SUSPENDIDO raw mula sa Facebook ang account ng tagapagsalita ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Vic Rodriguez, ayon sa kanya.
Ang sinasabing pagka-suspinde ay nangyayari ngayong fina-flag ang maraming accounts sa paglabag ng community standards ng social media platform bago halalan.
Ito ang ibinalita ni Rodriguez, Martes, na siya ring chief of staff ni Bongbong. Sinabi niya ito kahit Enero 2022 nang banggitin niya sa Rappler na “wala siyang kahit anong social media account.”
“FB/Meta suspended my account because I am for Bongbong Marcos. This action is censorship of the highest degree on a sovereign act, digital terrorism no less,” wika niya sa isang pahayag na inilabas ng Partido Federal ng Pilipinas.
“I will not appeal for I have not violated anything. My duty is to the Filipino people and not to FB/Meta.”
Ang Facebook ay pribadong kumpanya at si Rodriguez naman ay pribadong indibidwal
Inirereklamo ni Rodriguez ang diumano’y censorship sa kanya sa social media. Matatandaan na talamak noong Martial Law ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos na ama ni Bongbong ang censorship sa mga pahayagan.
Iginigiit ni Rodriguez na hindi rin daw siya nagpapaskil ng kahit na ano tungkol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict — na kilalang madalas magpakalat ng disinformation online.
Una nang sinabi ng ruling party na PDP-Laban, na nag-endorso kay Bongbong, na sunud-sunod na nafa-flag o “takedown” mula sa Facebook ang mga posts ng kanilang mga kandidato dahil sa paglabag sa community standards.
Ngayong Abril lang nang ianunsyo ng Meta, parent company ng FB, na tinake-down nito ang daan-daang accounts at pages sa Pilipinas na nagsasagawa ng “malicious activities” sa social media bago ang May elections.
“I will continue communicating with the many other forms of media available that are free from any filter, censorship or manipulation from foreign platform providers,” dagdag pa niya.
Hindi dapat visible sa ibang tao sa Facebook ang account ng mga suspendido sa platform, pero searchable ang isang Vic Rodriguez na nagpapakilalang tagapagsalita at chief of staff ni Bongbong .
“Up and running” naman ang opisyal na FB page niya na “Atty. Vic Rodriguez” at hindi naman nawawala sa Facebook.
Taong 2019 lang nang sabihin ng Facebook na lalabanan nila ang pagkalat ng fake news kasabay ng mid-term elections noon. Kaugnay noon, natanggal ang pagkarami-raming pages at accounts na nagpapakalat ng misleading at hindi accurate na impormasyon.
-
15 sabungero arestado sa tupada sa Caloocan at Malabon
Labing-limang katao ang arestado matapos ang isinagawang magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon cities. Kinilala ang naarestong mga suspek na si Francis Iquiran, 26, collector/kasador, Romeo Rioflorido, 44, Jojo Palogan, 48, Deolng Manggaporo, 48, Eduardo Cabillo, 26, Domingo Kionisala, 46, Jesus Delavin, 55, Raquel Cirera, 65, Rolando Verso, 46, […]
-
Jose, gaganap na kapatid niya: VIC, babu na muna sa pagiging ‘daddy’ sa bagong sitcom
BABU muna si Bossing Vic Sotto sa pagiging ‘daddy’ sa papel niya bilang si Boss EZ sa ‘Open 24/7’ ng GMA. “Ang pinaka-role ko rito ay kung papaano makiki-interact sa dalawang generations; millennial at yung mga Gen Z. “Alam naman natin na iba na ang mga pananaw ng mga kabataan ngayon […]
-
800K beneficiaries, aalisin ng DSWD sa 4Ps
SA HALIP na 1.3 milyon, aabot na lamang sa 800,000 ang mga benepisyaryo na aalisin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan. Ayon kay DSWD officer-in-charge Undersecretary Edu Punay, ang orihinal na 1.3 milyong benepisyaryo ay isinailalim nila muli sa rebalidasyon dahil ang naturang numero […]