• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapatupad na hakbangin ng MMDA para maibsan ang trapik sa EDSA

HUMIRIT ang Malakanyang at hiningi ang kooperasyon ng publiko sa mga ginagawang hakbangin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang masolusyunan ang problema ng trapik sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (Edsa).

 

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na magreklamo ang ilang motorista sa ginawang pagsasara ng MMDA sa mga U-turn slot sa Edsa na nagresulta sa napakahabang trapik at  pagtaas ng konsumo ng gasolina o krudo ng mga sasakyan.

 

Kaya ang pakiusap ni Sec. Roque ay bigyan muna ng pagkakataong masubukan ang mga pagbabagong ipinatutupad ng MMDA sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

 

Kung hindi naman kasi ito gagana ay siguradong  ititigil  ng MMDA ang implementasyon nito.

 

Sa kasalukuyan, nakasisiguro si  Sec. Roque na nagsasagawa pa ng pag-aaral ang ahensya hinggil sa naging desisyon nitong isara ang mga U-turn slot sa EDSA. (Daris Jose)

Other News
  • Paggamit ng vape sa indoor public places, papatawan ng multa na P5K-P20K

    PAPATAWAN ng mabigat na parusa ang mga mahuhuling maninigarilyo ng vapes sa indoor public places kabilang na sa government offices, mga paaralan, paliparan at simbahan.     Sa inisyung department administrative order ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagsasaad ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 11900 o ang Vaporized […]

  • Nangakong magiging Ate kina Andi at Gwen: CLAUDINE, sobrang naapektuhan sa pagpanaw ni JACLYN na itunuring na ina

    SOBRANG naapektuhan si Claudine Barretto sa biglaang pagpanaw ng premyadong aktres na si Jacklyn Jose, na itinuring na rin niyang ina.   Sa kanyang Instagram account, pinost niya ang photo nila ni Jaclyn kasama si Direk Wenn Deramas.   Nagkasama silang tatlo sa Kapamilya series na “Mula Sa Puso na napanood noong 1997 hanggang 1999 […]

  • Mahigit 3K na indibidwal nakabenepisyo sa 2-day free theoretical driving course ng LTO

    SA ISINAGAWANG 2-day free theoretical driving course ng Land Transportation Office, lagpas 3,000 katao ang nakiisa.     Dahil sa kamahalan ng driving course na isang requirement para makakuha ng driver’s license ay sinamantala na ito ng mga tao.     Umaabot raw ng halos 1,200 pesos ang gagastosin sa kurso kaya naman para sa […]