• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-iina arestado sa P4-milyong shabu

ISANG 65-anyos na lola at kanyang anak na lalaki ang arestado matapos makumpiskahan ng nasa P4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si Taya Sulong, 65, at Abdul Sulong, 33, kapwa ng Block 1, Lot 9, Villa Enrico Heights, Brgy. 171.

 

Sa ulat ni Col. Menor kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-8:20 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/ Capt. Deo Cabildo at P/Capt. Dennis Udtuhan ng SS7 ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa kanilang bahay.

 

Nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer ng P70,000 halaga ng shabu.

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium knot-tied plastic bag ng shabu ay agad ianresto ng mga operatiba ang mag-ina.

 

Nakumpiska sa mag-ina ang nasa 600 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P4,080,000.00, digital weighing scale, at isang P1,000 bill na nakabugkos sa 69 pcs P1,000 fake/boodles bills na ginamit bilang buy-bust money.

 

Kaugnay nito, pinuri ni Gen. Ylagan ang mga operatiba ng Caloocan Police SDEU dahil sa kanilang matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek na malaki aniya itong kabawasan para hindi kumalat ang illegal na droga sa lungsod. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, itinalaga ang INC head bilang ‘special envoy’ for OFW concerns

    ITINALAGA ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  si Iglesia ni Cristo (INC) Executive Minister Eduardo V. Manalo bilang special envoy for overseas Filipino concerns.     Si Manalo ang panganay na anak na lalaki ng namayapang si  INC executive minister Eraño Manalo.     Kilala ang INC, para sa  bloc-voting practice nito, inendorso sina  Pangulong Marcos […]

  • 75 NA IMMIGRATION OFFICERS, NAGSIPAGTAPOS

    MAY kabuuang 75 na panibagong batch ng mga Immigration Officers ang nagtapos sa ilalim ng Bureau of Immigrations (BI) Philippine Immigration Academy (PIA).     Ang mga nagtapos na mga BI Immigration ay pormal na kikilalanin sa isang graduation ceremony sa  Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.     Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco  […]

  • Public apology ng Kuwait government sa pamilya Ranara, hiningi

    DAPAT na mag-’public apology’ ang gobyerno ng Kuwait sa pamilya ni Jullebee Ranara, ang Pinay OFW na karumal-dumal na pinaslang ng anak ng amo ng kanyang employer sa Kuwait.     Sinabi ni Sen. Raffy Tulfo na kabilang ito sa mga kundisyong isinusulong niya kasabay ng panawagan niyang ‘total deployment ban’ sa mga first-timers OFW […]