• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buong mundo “malulusaw” kung gagamitin ni Putin ang nuclear weapons laban sa Ukraine- Pangulong Duterte

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo R. Duterte ng “worst possible outcome” para sa buong mundo sa gitna ng patuloy na banta ng Russia sa posibilidad na gamitin ang tactical o low-yield nuclear weapons laban sa Ukraine.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa Lapu-Lapu City, Cebu sa idinaos na 501 taong anibersaryo ng Victory of Mactan, nagpahayag ng pagtutol si Pangulong Duterte sa nuclear threats ni Russian President Vladmir Putin at mangamba na ito na ang maging katapusan ng mundo.

 

 

“Putin’s threat is not good. If he really presses the button there and it goes nuclear and they use nuclear armaments, I think that my brother Lapulapu is waiting for all of us there in heaven because the world will melt,” ayon sa Pangulo.

 

 

Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye si Pangulong Duterte subalit iginiit nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng posisyon sa ginawang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.

 

 

“Our history is evolving, the history of our world. How we react, how we define ourselves, how we would stand in this conflict if it really goes nuclear,” ayon pa rin sa Punong Ehekutibo.

 

 

Matatandaang, nanindigan si Pangulong Duterte na dapat ay manatiling neutral ang Pilipinas hinggil sa nagpapatuloy na sigalot ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

 

Ipinahayag ito ng pangulo sa kanyang naging talumpati sa Palo, Leyte at sinabing mas makakabuti para sa bansa na hindi makisali dito sa kadahilanang hindi dapat madamay o makaladkad ang Pilipinas sa naturang sitwasyon ng krisis.

 

 

Hangga’t siya ang tumatayong presidente ng Pilipinas ay sinabi rin ni Duterte na tatanggi siya na magpadala ng mga sundalong Pilipino sa bansang sinalanta ng digmaan kahit na maging kahilingan pa ito ng Estados Unidos dahil sa pangamba na ito ay maaaring mag resulta lamang ng spill over na magdudulot ng aktwal na giyera dito sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Nora, parang alak na sumasarap habang tumatagal

    UNANG pagkakataon na makakasali ni Direk Adolfo Alix, Jr. sa mainstream section Metro Manila Film Festival via Coming Home, produced by Maverick Films at pinagbibidahan nina former senator Jinggoy Estrada at award-winning actress Ms. Sylvia Sanchez.   Pero years ago ay nakasali siya sa Indie Wave New Section where his film Presa won Best Picture. […]

  • Doha napiling host ng 2030 Asian Games

    Napili ang Doha bilang host ng 2030 Asian Games.   Kinumpirma ito mismo ng Olympic Council of Asia (OCA) kung saan magiging host naman ang 2034 ang Riyadh.   Ayon kay OCA president Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah, na isinagawa ang paggawad matapos ang board meeting ng OCA.   Naantala pa ng ilang oras ang nasabing […]

  • HELPER PINAGSASAKSAK NG TAXI DRIVER

    KRITIKAL ang isang 38-anyos na helper matapos pagsasaksin ng taxi driver marakaang maghinala ito na ka-relasyon ng kanyang ka-live-in ang biktima nang  mahuli niya sa loob ng kanilang silid ang dalawa sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.   Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Randy […]