Nora, parang alak na sumasarap habang tumatagal
- Published on December 2, 2020
- by @peoplesbalita
UNANG pagkakataon na makakasali ni Direk Adolfo Alix, Jr. sa mainstream section Metro Manila Film Festival via Coming Home, produced by Maverick Films at pinagbibidahan nina former senator Jinggoy Estrada at award-winning actress Ms. Sylvia Sanchez.
Pero years ago ay nakasali siya sa Indie Wave New Section where his film Presa won Best Picture.
Nakausap namin si direk Adolf via Facebook messenger and we learned na hindi naman sila nag-expect na sila ay mapipili as official entry sa MMFF 2020 although Coming Home was earlier chosen as entry sa Unang MMFF Summer Festival. Hindi nga lang ito natuloy dahil sa pandemia.
Ayon kay Direk Adolf, dahil sa pandemya ay na-realized nang maraming tao ang kahalagahan ng pamilya. Dahil magkakasama tayong na-lockdown, napagtanto natin kung gaano kaimportante sa bawat isa sa atin ang bawat miyembro ng pamilya.
“I think Coming Home will be a good watch this MMFF for Filipino families to strengthen and come together during the holidays. We will find ourselves in the characters and the issues and themes of the film will resonate with Filipino audiences. They can laugh and cry with the plight of the Librada family,” wika ni Direk Adolf.
Ang script ng Coming Home ay isinulat ni Gina Marissa Tagasa. Naalaala ni Direk Adolf ang kwento ng isang wife na inalagaan ang kanyang mister matapos itong iwanan ng kanyang mistress. Maraming beses daw silang nag-usap ni Manay Gina hanggang nabuo nila ang kwento ng Coming Home.
“Gusto namin ng mga karakter na katulad ng mga nakakasalamuha natin every day. Mga pamilya na karakter pero may mga kakaibang journey ang bawat isa.”
Naniniwala rin si Direk Adolf na dahil sa quality ng performances ng mga actor sa Coming Home, at sa ganda ng kwento ng pelikula, pwede itong ihanay sa mga de-kalibreng drama movies na tumatak sa puso ng mga manonood.
Si Sylvia Sanchez talaga ang first choice ni Direk Adolf para gumanap na nanay sa pelikula. Gusto naman niya na bigyan ito ng bagong partner kaya pinili niya si Sen. Jinggoy Estrada.
“Matagal na rin hindi gumagawa ng pelikula si Sen. Jinggoy kaya maging come- back vehicle para sa kanya ang Coming Home,” pahayag pa ni Direk Adolf.
Kasama rin sa pelikula sina Martin del Rosario, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica at Shaira na gumaganap ng mga anak nina Sylvia at Jinggoy.
“First time ko na makatrabaho sina Ms. Sylvia and Sir Jinggoy. I am always excited to collaborate with intelligent and competent actors. And what they can put in their characters. And our interaction was very good during the shoot,” kwento ni Direk Adolf.
Nagustuhan din ni Direk Adolf ang naging collaboration ng kanyang mga artista.
“It was like they were a symphony of insightful performances bringing out the best in each other – which I think is a key in family dramas. You give light to each other to push the drama and not to shine alone.”
Umaasa rin si Direk Adolf na kahit na via streaming ang pagpapalabas ng mga filmfest entries ay tatangkilikin din ito ng Pinoy movie-goers. Siyempre kailangan din naman na maging safe tayo sa panonood ng sine dahil nariyan pa rin ang pandemya. Kaya mas maganda na we watch in the safety of our homes.
*****
MASAYA ang mga Noranians dahil napili bilang official entry sa Metro Manila Film Festival ang Isa Pang Bahaghari, ang latest movie ni Ms. Nora Aunor under Heaven’s Best Entertainment Productions.
Reunion movie ito nina Direk Joel Lamangan at Ate Guy who worked in several award-winning movies tulad ng The Flor Contemplacion Story, Sidhi, at Bakit May Kahapon Pa?
Reunion din ito ni Ate Guy with Phillip Salvador, nakasama niya in Bona at Nakaw na Pag- ibig, among others.
Sabi ni Direk Joel, he is always excited to work with Nora dahil sa bawat movie na ginagawa nila ay nagpapamalas si Ate Guy nang kahusayan sa pagganap.
“Si Nora ay tulad ng isang alak na habang tumatagal ay lalong sumasarap,” pagpuri ni Direk Joel sa premyadong aktres. (RICKY CALDERON)
-
PBBM, gobyerno “on track” sa pagsusulong ng key railway projects; determinadong resolbahin ang matindin problema sa trapiko
DETERMINADO ang gobyerno ng Pilipinas na isulong ang “key railway projects” para tugunan ang “terrible stories” hinggil sa kakulangan ng quality time para sa maraming Filipino bunsod ng traffic congestion. Ipinahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang paglagda sa Metro Manila Subway Project (MMSP) Contract Packages 102 at 103 sa Palasyo ng […]
-
Grand Prix sa Japan kinansela dahil sa COVID-19
Muling kinansela ang Japanese Grand Prix dahil sa banta ng COVID-19. Ito na ang pangalawang magkasunod na taon na kinansela ang nasbing karera. Gaganapin sana ito sa Suzuka sa darating Oktubre 10. Ayon sa Forumula One organizares na mismo ang gobyerno ang nagdesisyon na kanselahin ang nasabing laro dahil sa […]
-
Commuters, motorcycle taxi drivers panalo sa Grab-MoveIt deal – consumer group
PINURI ng isang consumer group ang pakikipagtambalan ng Grab Philippines sa motorcycle taxi firm na MoveIt dahil anito’y makatutulong ito upang lalong maibsan ang paghihirap sa pagbibiyahe ng mga Pinoy commuter, lalo na sa Metro Manila. Ayon sa Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3), ang investment deal sa pagitan ng Grab at MoveIt ay […]