• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grizzlies sinibak ang Wolves

WINAKASAN ng Grizzlies ang ka­­nilang first-round series ng karibal na Minnesota Timberwolves matapos ang­kinin ang 114-106 pa­na­lo sa Game Six papasok sa Western Con­ference se­­mifinal round.

 

 

Lalabanan ng Memphis sa best-of-seven se­mi­finals series sina ‘Splash Brothers’ Stephen Curry at Klay Thompson at ang Gol­den State Warriors, ang NBA champions noong 2015, 2017 at 2018.

 

 

Kumamada sina Desmond Bane at Dillon Brooks ng tig-23 points para sa 4-2 pagtiklop ng Grizzlies sa ka­nilang best-of-seven series ng Timberwolves.

 

 

Nagtala si Brandon Clarke ng 17 points at 11 re­bounds, habang nag-am­bag si star guard Ja Morant ng 17 points at 11 assists.

 

 

Bumangon ang Memphis mula sa 74-84 pagkakaiwan sa third period bago nakatabla sa Minnesota sa 97-97 mula sa basket ni Brooks.

 

 

Ang triple ni Bane ang nag­bigay sa Grizzlies ng 101-99 bentahe sa hu­ling 3:03 minuto ng fourth quarter.

 

 

Pinamunuan ni Antho­ny Edwards ang Timberwolves sa kanyang 30 points at may 24 markers si Jaden McDaniels.

 

 

Tumapos si cen­ter Karl-Anthony Towns na may 18 points at 10 re­bounds.

 

 

Samantala, inihayag ka­hapon ng Philadelphia 76ers na nagkaroon si star center Joel Embiid ng right orbital fracture at mild concussion.

 

 

Posibleng hindi maglaro ang NBA scoring champion at MVP finalist sa confe­rence semis opener ng 76ers at Miami Heat.

Other News
  • Mental health problem ni CHYNNA, nagsimula noong pumanaw ang ama; nagpapagaling na sa matinding pagpayat

    MARAMI ang nabahala sa biglang pagpayat ng katawan ni Chynna Ortaleza.         Sa post nito sa Instagram, inamin nito ang pagbagsak ng timbang niya mula 109 to 86 pounds kahit na hindi siya nagda-diet o nagwu-workout.     Bukod sa kanyang iniindang gut problem, nakadagdag pa raw sa pagpayat ni Chynna ay ang […]

  • Pinas, sumali sa ‘global call’ kontra marine plastic waste

    SUMALI ang gobyerno ng Pilipinas sa agarang panawagan na tugunan ang malawakang plastic waste sa buong mundo na patuloy  na nagdudumi sa karagatan.     “For many Filipinos, the sea is livelihood and life for all Filipinos as a nation it is our definition as such. We are a people of water, we’re a maritime […]

  • DRIVER’S LICENSE, BOW!

    KASKASERO, balasubas, kamote, pasaway ay ilan lamang sa mga bansag sa mga pasaway na drayber na hindi dapat nabibigyan ng prebilehiyo na makapagmaneho.   Kabilang sila sa mga dahilan kung bakit nakapagtala ng mahigit 121,000 insidente sa kalsada sa Metro Manila mula Enero hanggang Disyembre 2019.   Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board […]