SEA Games hosting ng Pilipinas pinuri ng foreign sports officials
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
Inaasahan ng mga foreign sports officials na mapapakinabangan nang husto ng mga Filipino athletes ang “state-of-the-art” na New Clark City sa Capas, Tarlac.
Ang nasabing venue ang ginamit sa matagumpay na pamamahala ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games noong Disyembre kung saan hinirang na overall champion ang Team Philippines.
Pinuri ni Ibrahim Nada, ang Technical Director ng Athletics Stadium and Aquatics Center sa Aquatic Complex sa New Clark City, ang nasabing modernong pasilidad.
Sinabi ng Malaysian official na lalo pang magsisikap ang mga Pinoy swimming at diving teams na mag-ensayo dahil sa makabagong aquatic center.
Noong 2019 SEA Games ay sumabak ang 135 atleta mula sa 11 member countries sa swimming, diving, water polo at artistic swimming sa naturang Aquatic Complex.
Nagpasalamat naman sina Harry Warganegara ng Indonesia Olympic Committee at Kunihito Morimura, ang president at Chief Executive Officer ng Dentsu Sports Asia, sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) dahil sa matagumpay na pangangasiwa sa 2019 SEA Games.
Tiniyak nina Warganegara at Morimura na muli silang babalik para makita ang pagbabago sa ‘sports landscape’ ng bansa.
Ang 31st edition ng SEA Games ay pamamahalaan ng Vietnam sa susunod na taon.
Matapos namang isumite sa pamunuan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ay nakatakda namang ibigay ni PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara ang kanilang Final Report Book sa SEA Games Federation.
-
Higit 582-M doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines dumating sa Phl
Karagdagang 582,500 na AstraZeneca COVID-19 vaccine doses ang dumating sa Pilipinas ngayong umaga. Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Termina 1 ang mga bakunang ito pasado alas-9:25 ng umaga lulan ng isang China Airlines flight. Ang mga bakunang ito ay binili ng private sector sa pamamagitan ng tripartite agreement sa national […]
-
MAYHEM UNLEASHED AS TRAILER FOR “TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES: MUTANT MAYHEM” DEBUTS
COWABUNGA! Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, with a star-studded voice cast that includes Seth Rogen, Paul Rudd, Maya Rudolph, Rose Byrne, Jackie Chan, John Cena and Post Malone, opens across Philippine cinemas August 23. Watch the trailer. YouTube: https://youtu.be/BvsPAPb_cPc Facebook: https://www.facebook.com/paramountpicsph/videos/600043092104874 About Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem In Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant […]
-
300K leak pipes, naayos ng Maynilad
Umaabot na sa halos 300,000 ng leak pipes ang naayos ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) mula nang pangasiwaan ng kompanya ang pagsusuplay ng tubig sa west zone area mula 2007. Ito ay matapos makumpleto ng Maynilad ang may 22,500 pipe leaks noong 2020 at dahil dito nabawasan ang pagtagas ng […]