• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makikita sa virtual statue na hawak ang baby bump: Kabogera sa Met Gala na si RIHANNA ‘di nakadalo dahil sa pagbubuntis

TILA nag-retire na raw sa paggawa ng pelikula si Direk Carlitos Siguion-Reyna. 

 

 

Unforgettable ang mga nagawa niyang mga pelikula sa ilalim ng Reyna Films tulad ng Hihintayin Kita Sa Langit, Saan Ka Man Naroroon?, Kung Mawawaka Ka, Ikaw Ka Pang Ang Minahal, Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin, Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin, Tatlo Magkasalo, Ang Mga Lalake Sa Buhay Ni Selya, Kahapon Dalawang Bata at Abot-Kamay Ang Pangarap.

 

 

Paborito namin ay ang unang pelikula niya na Misis Mo, Misis Ko na pinalabas noong 1988 na bida sina Dina Bonnevie, Edu Manzano, Jackie Lou Blanco, Ricky Davao at Jaclyn Jose.

 

 

Ang pag-arte na raw ang gustong gawin ni Direk Carlos at misteryoso ang kanyang role sa GMA Afternoon Prime teleserye na Apoy Sa Langit.

 

 

Nag-enjoy daw si Direk Carlo na maging artista lang for a change. Sumusunod na lang daw siya sa kanilang direktor na si Laurice Guillen.

 

 

“I’ve attended one of Direk Laurice’s acting workshop noon. Kung ano ang mga natutunan ko sa workshop, I apply it in my scenes. Sa totoo lang, masarap palang umarte na lang. And working with Direk Laurice for the first time, it’s something to look forward to,” sey pa niya.

 

 

Si Direk Laurice daw ang nag-suggest na subukan si Direk Carlos sa role na Edong. Naalala raw kasi ni Direk Laurice nang minsang mapanood siya sa isang stageplay si Direk Carlos at mahusay ito. Kaya bagay daw sa rito ang gumanap na isang sinister charater sa teleseryeng dinidirek niya.

 

 

***

 

 

BUMALIK na sa trabaho ang comedian na si Joey Paras pagtapos bumuti na ang kalagayan nito.

 

 

Kung matatandaan ay naospital dahil sa sakit sa puso si Joey noong kasagsagan ng pandemya. Maraming kaibigan ni Joey ang tumulong sa kanya financially para sa kanyang pagpapagamot at sa iba pang gastusin niya kung sakaling maoperahan siya.

 

 

Nagpapasalamat si Joey na hindi natuloy ang pagpapa-angioplasty surgery niya dahil wala naman daw nakitang bara sa kanyang coronary arteries. Nagkakahalaga pa naman daw ng P750,000 ang angioplasty surgery.

 

 

Nagpalakas na lang si Joey at ngayon ay parang hindi siya naospital dahil masigla na ulit ang katawan niya. Pero maingat na raw si Joey at change of lifestyle na raw ang ginagawa niya. Maingat na raw siya sa kanyang kinakain at makikinig na raw siya sa katawan niya kapag kailangan na nitong magpahinga.

 

 

Dahil nagbalik na siya sa trabaho, sinama siya sa comedy segment ng All Out Sundays kunsaan kasama niya si Eugene Domingo.

 

 

***

 

 

KANYA-KANYANG drama ang suot ng mga dumalo sa Met Gala 2022 na ginanap noong May 2 sa Metropolitan Museum of Art in New York City.

 

 

Ang tinaguriang “the Oscar of Fashion” ang may theme sa taong ito na “Gilded Glamour “. Inspired ang fashion sa mga TV series na Bridgerton, The Gilded Age at Downton Abbey na puno ng opulence, excess and fame.

 

 

Ang mga naging hosts for this year ay ang mag-asawang Ryan Reynolds at Blake Lively, Oscar winner Regina King at Tony Award winner Lin-Manuel Miranda. Ang Vogue editor-in-chief Anna Wintour, designer Tom Ford at Adam Mosseri ang mga honorary chairpersons.

 

 

Ang kabogera parati ng Met Gala na si Rihanna ay hindi nakadalo dahil nasa ika-third trimester na ito ng kanyang pagbubuntis. Pero hindi pa rin nawala ang presence niya dahil sa virtual marble statue niya sa venue.

 

 

Sa digital realm lang makikita ang statue ni Rihanna kunsaan hawak niya ang kanyang baby bump na lumabas sa cover ng Vogue,

 

 

Pinost ni Rihanna sa kanyang Instagram ang video ng kanyang virtual statue at nilagyan niya ng caption na: “shut down the met in marble! what’s more gilded than that? Lol! Thank you @metmuseum and @voguemagazine for this historic tribute! y’all bad for this one!”

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ibinahagi ang mga gustong i-delete sa past niya: NADINE, nag-react sa naging komento nang nagpakilalang ‘motivational speaker’

    HINDI nga pinalampas ni Nadine Lustre ang mga komento ni Rendon Labador na nagpakilalang motivational speaker, matapos ungkatin ng ilang netizens ang lumang interview sa kanya ni Edward Barber.   Isang simpleng ‘grimace emoji’ ang tugon ni Nadine nang i-retweet niya ang screenshots ng comment ni Rendon.     Isang Twitter user ang nagbahagi rin […]

  • NAVOTAS PATULOY ANG PAMIMIGAY NG RELIEF PACKS

    PATULOY ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa kanilang mamamayan ng relief packs makaraang ibalik at pahabain pa ng isang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.     Umabot na sa 15,501 mga pamilyang Navoteño ang nabigyan ng relief packs na naglalaman ng limang kilong bigas, walong pirasong assorted canned goods […]

  • Kakulangan sa hospital beds para sa mga Covid -19 patients, hindi problema- PDu30

    PINALUTANG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang posibilidad na i-take over ng mga awtoridad ang mga hotel sa bansa para tugunan ang kakulangan ng hospital beds para sa mga covid 19 patients.   Sinabi ng Pangulo sa kanyang Talk To the People, Huwebes ng gabi na maaari naman niyang kagyat na ipag-utos sa sa military […]