• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maroons amoy na ang UAAP crown

NAITARAK  ng University of the Philippines ang gitgi­tang 81-74 overtime win laban sa defending champion Ateneo de Manila University upang makalapit sa inaasam na kampeonato sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Rumatsada nang husto si Ricci Rivero nang humataw ng 19 points, 4 steals, 2 assists at 2 blocks upang pamunuan ang Fighting Maroons na makuha ang 1-0 bentahe sa best-of-three championship series.

 

 

Solido ang suportang ibinigay si Zavier Lucero na ku­mana ng double-double output na 17 points at 13 boards kasama pa ang 2 blocks, 1 assist at 1 steal.

 

 

Naramdaman din si James Spencer na umani ng 13 points, habang nakalikom naman si Maodo Diouf ng sariling double-double showing na 10 points at 13 rebounds.

 

 

Nagdagdag naman si Carl Tamayo ng 10 markers at 9 rebounds para sa UP.

 

 

Nakakuha ang Fighting Maroons ng 26 points mula sa turnovers ng Blue Eagles, habang mayroon din itong 44 points sa paint at 22 second chance points.

 

 

Hindi napakinabangan ang 18 points at 11 boards ni Angelo Kouame gayundin ang tig-17 markers na na­gawa nina SJ Belangel at Rafael Verano para sa koponan ng Blue Eagles.

 

 

Hawak ng Blue Eagles ang 70-67 kalamangan sa huling 27.6 segundo sa fourth quarter nang pakawalan ni Spence ang umaatikabong tres para maitabla ng Fighting Maroons ang laro sa 70-70 at mauwi sa overtime ang laro.

 

 

Sa extra period ay binasag ng UP ang 74-74 matapos pumukol si Rivero ng sariling three-pointer para sa 77-74 abante, may 2:32 pang nalalabi.

 

 

Mula dito ay hindi na lumingon pa ang UP sa Ateneo para ma­kuha ang panalo.

 

 

Aarangkada ang Game Two ng Fighting Maroons at Blue Eagles sa Miyerkules sa alas-6 ng gabi sa parehong venue kung saan puntirya ng UP na maiselyo ang korona na huli nilang nakamit noong 1986 sa likod nina Benjie Paras at Ronnie Magsanoc.

Other News
  • Konstruksyon ng MRT 4 tumaas ng P28 billion

    NAGPAHAYAG ang Department of Transportation (DOTr) na magkakaron ng karagdagan gastos ang konstruksyon ng Metro Rail Transit Line 4 dahil sa pagbabago ng design at technology na gagamitin.       Ang pamahalaan ay kinakailangan gumastos ng kabuuang P87 billion upang matapos ang civil works at ang pagbili ng systems at trains na gagamitin sa […]

  • Pagkakasama ng Hongkong sa pansamantalang suspensyon ng inbound international flights, hindi pa pinal- NTF

    HINDI pinal ang pagkakasama ng Hong Kong Flights bilang bahagi ng pansamamtalang suspensyon ng inbound international flights dahil sa umusbong na Omicron variant.   Ito ang nilinaw ng National Task Force (NTF).   Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hinihintay pa nila ang magiging anunsyo ng Inter-Agency Task Force ( […]

  • Saso trangka pa sa LPGA Tour of Japan

    PUMUWESTO lang sa 11 magkakatabla sa ika-29 na puwesto  si Yuka Saso sa 20th Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament 2020 sa Gifu Prefecture Honshu nitong Linggo.     Pero hindi lang iyon upang mamantine niya ang liderato sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour of Japan ranking dahil nagrasyahan pa rin ang 19-year-old Fil-Japanese […]