• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Minimum wage hikes sa NCR at sa Western Visayas, aprubado na – DOLE

INANUNSIYO ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan na sa National Capital Region (NCR) at Western Visayas wage boards ang adjustments sa minimum wages ng mga manggagawa.

 

 

Batay sa statement ng DOLE ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB-NCR) ay naglabas ng Wage Order No. NCR-23 nitong nakalipas na May 13, 2022.

 

 

Nakapaloob dito na pinagbigyan daw ang wage hike increase ng P33 kada araw para sa mga minimum wage earners, kaya tataas na sa P570 ang minimum wage para sa mga non-agriculture sector at P533 naman sa mga workers na nasa agriculture sector.

 

 

Ayon sa DOLE inaasahan nila na aabot daw sa one million minimum wage earners sa mga private establishments sa rehiyon ang mabibiyayaan.

 

 

“It is expected to protect around one million minimum wage earners in private establishments in the region from undue low pay. The increase considered the restoration of the purchasing power of minimum wage earners because of the escalating prices of basic goods, commodities, and petroleum products,” bahagi pa ng statement ng DOLE. “The last Wage Order for workers in private establishments in NCR took effect on 22 November 2018.”

 

 

Samantala, inanunsiyo rin naman ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – VI ang Wage Order No. RBVI-26 para rin sa wage increase sa mga non-agriculture, industrial and commercial establishments sa Western Visayas na aabot sa PP55 at P110.

 

 

Dahil dito ang daily minimum wage sa rehiyon ay nasa P450 at PP420 sa mga negosyo na merong 10 workers o higit pa at doon sa may 10 o mas mababa pa ang bilang ng mga workers.

 

 

Pinagtibay rin naman ng Board ang P95 na taas sa mga manggagawa sa agriculture sector para tumaas na ang daily minimum wage ng P410.

 

 

Ang bagong Wage Orders ay isusumite sa Commission para sa review at magiging epektibo ito 15 matapos ang paglalathala sa newspaper na may general circulation.

Other News
  • 8 bagong miyembro ng Marawi Compensation Board, bagong chairman ng Commission on Filipinos Overseas, nanumpa sa harap ni ES Bersamin

    SA kabila ng kontrobersiyal na cash-for hire scam at para patunayan na lehitimo ang mga napipiling opisyal ng gobyerno ay pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang oath-taking ceremony ng mga bagong miyembro ng Marawi Compensation Board, ngayong araw ng Lunes, Enero 30.     Ang mga bagong appointees sa Marawi Compensation Board ay sina […]

  • Kamara may kapangyarihan na maglipat ng pondo kasama ang CIF

    NASA kapangyarihan umano ng Kamara ang paglilipat ng alokasyon sa ilalim ng panukalang budget at kasama rito ang confidential and intelligence funds (CIF) ng iba’t ibang ahensya.     “There’s no question about it. The Congress, particularly the House, where the national budget bill originates, possesses that power. It is granted by the Constitution. The […]

  • Posibleng paghihigpit sa pagpapauwi sa mga probinsiya ngayong papalapit na Holy Week

    NAKAANTABAY ang Malakanyang kung magkakaroon ng paghihigpit sa magiging pagbiyahe o pag- uwi ng marami sa ibat-ibang mga lalawigan para sa nalalapit na Mahal na Araw.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay wala pa siyang maisasagot kung paano ang magiging set up sa magiging pag-uwi ng mga kababayan nating nais na […]