• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Carlos Yulo itinuring na ‘most bemedalled athlete’ sa SEA Games

NGAYON pa lamang itinuturing na most bemedalled athlete na ang Pinoy Olympian at dating world champion gymnast na si Carlos Edriel Yulo sa nagpapatuloy na SEA Games doon sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Liban kasi sa limang gold medals, meron pa siyang dalawang silver medals sa team at at parallel bars.

 

 

Sa mga atleta ngayon sa Vietnam si Caloy ang may pinakamaraming gold.

 

 

Ang Japan based na si Yulo, ay inaasahan na namang tatabo sa matatanggap na cash incentives batay naman sa batas sa Pilipinas.

 

 

Ang nanalo kasing atleta ng gold medal sa SEA Games ay mabibiyayaan ng P300,000, ang silver medal ay may nakalaang P150,000, habang ang bronze medal ay merong nag-aantay na P60,000 na cash incentive.

 

 

Sa inisyal na pagtaya nasa P1.5 million ang kanyang matatanggap sa limang gold medals at meron pa siyang premyo at percentage sa dalawang silver medals.

 

 

Napantayan ni Yulo ang swimming legend ng Pilipinas na si Eric Buhain (isa ng congressman ngayon sa Batangas) na nakasungkit din ng limang gold medals sa SEA Games noong taong 1991.

Other News
  • 2 barangay sa Navotas, isinailalim sa lockdown

    ISINAILALIM sa dalawang linggong lockdown ang dalawang barangay sa Navotas City simula August 3 ng hating gabi hanggang 4am ng August 16 dahil sa mabilis na pagdami ng hawaan ng COVID-19.       “Napilitan po tayong magpatupad ng lockdown sa Tanza 1 at Tanza 2 dahil sa mabilis na pagdami ng mga nahahawaan ng […]

  • Marcos camp nagmatigas vs electoral protest decision: ‘Only the 2nd cause of action

    Nagmatigas ang kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos na tanggapin ang desisyon ng Supreme Court na nagbasura sa kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.     Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Marcos, hindi pa tuluyang ibinabasura ng Korte Suprema, na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), ang protesta ng natalong […]

  • Gobyerno, inilaan ang P9.2 billion para sa confi, intel funds sa 2024

    TINATAYANG may P9.2 billion ang inilaan para sa confidential at intelligence funds para sa mga ahensiya ng gobyerno para sa fiscal year 2024.     “For 2024, the confidential fund — this is across all agencies — is P4.3 billion, and the intel is P4.9 billion, and I think the amount is the same as […]