PDu30, tinawag na sinungaling si VP Leni Robredo
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo na isang “sinungaling” nang hanapin siya nito pagkatapos manalasa ang bagyong Ulysses.
Tila ipinamukha ng Pangulo kay Robredo na dumalo siya sa ASEAN Summit online nang umatake ang kalamidad.
Sa public address ni Pangulong Duterte, Martes ng gabi ay inakusahan nito si Robredo ng “misleading the public” na siya ay “missing in action” sa panahon ng pananalasa ng bagyo.
“I would like to just give a caution to the Vice President. She made a blunder, a big one, and she practically lied, making her incapable of truth,” ayon sa Pangulo.
“Alam mo, ‘yung pakana niya na wala ako sa bagyo. I was here, dito. I was attending a summit, ASEAN Summit ‘yun, so virtual lang, palit palit kami. We were talking electronic. Nandito ako noon. Kasagsagan ng bagyo, dumaan diyan sa labas, nag-uusap kami dito,”dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte..
Giit pa ng Chief Executive na siya ay “night person” na nagta-trabaho ng late kaya’t sa gabi na niya nababasa ang mga official documents.
“Sinabi ko sa tao ‘yan that I am a night person, my day begins at 2, 2 o’clock hanggang gabi na, no limit. Hanggang gabi na ‘yan, umaabot ng alas dos, alas tres ng umaga,” ayon sa Pangulo.
Itinanggi naman ng Pangulo na natutulog siya habang nagdurusa ang mga mamamayan sa panahon ng pananalasa ng bagyo.
“Ngayon kung sabihin mo may emergency, natutulog ako sa umaga, hindi ako natulog noon. Gising ako ng umaga because of the summit,” binigyang diin nito.
Kaugnay nito, itinatwa naman ni Robredo ang alegasyon ni Pangulong Duterte na isa siya sa naghahanap sa Pangulo habang binabayo ng bagyong Ulysses ang iba’t ibang bahagi ng bansa.
“I just called out Sec. Panelo for peddling fake news. I am also calling out whoever peddled the fake news to the President, kaya ganito siya ka pikon. I never said ‘Where is the President’? You can review all my tweets,” ani Robredo sa Twitter.
Sa ulat, nakipagtulungan na si Robredo sa mga units ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para iligtas ang mga residenteng apektado ng pagbaha ng Bagyong Ulysses sa Cagayan.
Sa serye ng Tweets, tiniyak ni Robredo na ang rescue teams ng Philippines Marines ay papunta na sa mga apektadong lugar.
Pinaplano na rin aniya ang pagsasagawa ng air rescue.
May mga miyembro na rin ng Marines at Philippine Army na naka-standby pero hindi makapasok sa Alcala, Cagayan dahil sa abot-leeg na baha.
Papahupain lamang ang tubig para makatawid ang mga rescuers. (DARIS JOSE)
-
ASEAN ‘looking forward’ nang makipagtrabaho sa Biden administration
Handa nang makipag-trabaho ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa administrasyon ng bagong upo na si US President Joe Biden. Sa isang press release, sinabi ng chairman ng ASEAN Foreign Ministers’ Retreat, na umaasa silang mapapalakas sa ilalim ng bagong administrasyon ang ugnayan ng kanilang hanay at Estados Unidos. “In […]
-
EMERGENCY CASH LANES sa TOLLWAYS PANATILIHIN HANGGA’T WALA PANG INTER-OPERABILITY ang AUTOSWEEP at EASYTRIP
Malapit na ang deadline ng DOTr at TRB sa cash transaction sa mga tollways pero marami pa ring problema sa RFID ang nararanasan ng mga motorista. Hindi pa rin masiguro kung mapag-iisa ang sistema ng Autosweep at Easytrip at ‘baka’ sa June 2021 pa raw ito pero ‘kung’ makikipag-cooperate ang dalawang malalaking negosyo na Autosweep […]
-
Gilas Pilipinas sisimulan na ang training camp sa Biyernes
ISA-isa ng dumarating sa bansa ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas para sa nalalapit na FIBA Asia Cup sa darating na linggo. Mula kasi sa mga liga nilang sinalihan sa ibang bansa ay nasa bansa sina Kai Sotto at guard na si Dwight Ramos habang inaasahan naman na sa mga susunod na araw […]