IATF, binawi ang requirement sa college students na dadalo sa face-to-face classes na magkaroon ng medical insurance
- Published on May 30, 2022
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang rekumendasyon ng Commission on Higher Education (CHEd) na bawiin ang medical insurance requirement para sa mga college students.
“Dahil na rin sa rekomendasyon ng Commission on Higher Education, Seksyon IV, item “H” ng CHED-DoH Joint Memorandum Circular NO. 2021-004, pertaining to the medical insurance for students is hearby repealed,” ayon kay Acting Deputy Presidential Spokesperson Kris Ablan.
Nito lamang Abril ay itinakda ng CHED at Department of Health (DoH) sa isang joint resoluyion na kailangang maging miyembro ng PhilHealth ang mga college students bago makalahok sa face to face classes.
Ayon kay PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Dr. Shirley Domingo, kailangan munang magparehistro ng mga college students sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) o sa kahit anong private health insurance.
Ani Domingo, ang requirement ay nagmula sa Commission on Higher Education (CHED) at Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng Joint Memorandum Circular No. 2021-001.
“Nakalagay po doon na iyong estudyante ay kailangan pong magkaroon ng PhilHealth registration o kahit anong katumbas na medical insurance para magkaroon naman sila ng proteksiyon habang nagpi-face-to-face classes po sila,” paliwanag ni Domingo.
Wala pa aniyang eksaktong bilang ng mga college students na nagparehistro na sa PhilHealth, pero patuloy na nakakatanggap ang ahensiya ng applications mula sa regional offices nito at iba pang eskuwelahan.
Sa ilalim ng national health insurance program, ang mga indibidwal na “under 21 years old” ay dependents pa ng primary members, gaya ng kanilang mga magulang.
Ang mga estudyanteng under 21 years old na rehistrado sa pamamagitan ng kanilang parents ay kailangan lang ipakita ang PhilHealth Member Data Record (MDR) sa kanilang school, ayon kay Domingo.
Dagdag pa niya, “Kung hindi naman nadeklara as dependent sa mga magulang nila, so, ang advice po natin sa mga magulang ay mag-update ng kanilang membership at idagdag itong mga estudyante na ito as their dependents.”
At sa tanong naman kung ang magulang ng ‘under 21 years old’ ay hindi member ng PhilHealth, sinabi ni Domingo na sa ilalim ng Universal Health Care Law, lahat ng Pilipino ay miyembro ng PhilHealth. Kailangan lang nilang magpatala sa alinmang PhilHealth office.
Ang mga estudyante na 21 years old and above ay hinihikayat na direktang magparehistro sa alinmang PhilHealth offices bilang primary members.
Dahil magiging primary members sila, magkakaroon sila ng PhilHealth Identification Number na kanilang magagamit bilang primary contributors.
Maaari silang magbayad ng contributions online gamit ang PhilHealth website o sa mga bangko at accredited collecting agents.
Ani Domingo, sakaling ma-expose o magkaroon ng COVID-19 ang mga estudyante, maaari silang mag-avail ng benefits.
“Kung ma-isolate sila sa mga community isolation units, mayroon tayong benefits doon. Huwag naman po sana. Pero in-patient benefits, mayroon din tayo.” (Daris Jose)
-
EUA application na isinumite ng Bharat Biotech, di pa rin aprubado ng FDA
DAHIL sa kakulangan ng requirements kaya’t hindi pa rin nakapagpapalabas ng resulta ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa EUA application ng Bharat Biotech Vaccine na mula sa India. Sa Laging Handa briefing sinabi ni FDA Usec. Eric Domingo, na noon pang Enero 2021 nakapagsumite ng aplikasyon ang Bharat Biotech pero may […]
-
Sundalo at pulis, kasama sa prayoridad na mabakunahan ng Covid -19 vaccine
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga sundalo at mga pulis ay kasama sa prayoridad na mabakunahan sa oras na maging available na ang COVID-19 vaccine at handa na para ipamahagi. Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay inulit nito ang kanyang mga nagdaang pahayag na iprayoridad ang mga pulis […]
-
Duterte kay Sara: ‘Wag tumakbong president
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinausap niya ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at sinabihan na huwag magkakamaling tumakbong presidente ng bansa. Sinabi ni Duterte na ayaw niyang insultuhin ang mga mamamayang Filipino pero wala namang nakukuha sa pagiging presidente maliban sa “sense of fulfillment.” “Aside from […]