Sundalo at pulis, kasama sa prayoridad na mabakunahan ng Covid -19 vaccine
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga sundalo at mga pulis ay kasama sa prayoridad na mabakunahan sa oras na maging available na ang COVID-19 vaccine at handa na para ipamahagi.
Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay inulit nito ang kanyang mga nagdaang pahayag na iprayoridad ang mga pulis at military personnel kapag nagsimula na ang pagpapabakuna sa Mayo 2021.
“I need a healthy military and police kasi kapag magkasakit lahat ‘yan, wala na ako maasahan, wala tayo mautusan,” ayon sa Pangulo.
Kaya, humingi ng pang-unawa si Pangulong Duterte sa publiko sabay sabing ang mga uniformed personnel ay mga “errand boys” ng taumbayan.
Tinukoy ng Pangulo ang kamakailan lamang na rescue efforts na ginawa ng mga uniformed personnel matapos ang sunud-sunod na bagyo na naminsala sa bansa.
“Kita naman ninyo ‘yung baha sa Luzon. Kita ninyo military, Coast Guard, lahat na pumupunta doon, at pulis. And then they have to take care of the law and order situation. Huwag na ninyo masyado pahirapan ‘yung pulis, wala naman kayong gawin. Matulog na lang kayo kaysa mag-inuman diyan tas magkagulo,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na maaari nang simulan ng Pilipinas ang COVID-19 vaccines sa publiko sa buwan ng Mayo sa susunod na taon.
Ani Galvez, tinitingnan ng pamahalaan na mag-advance procurement ng 24 million vaccines sa loob ng first quarter ng susunod na taon.
Ang initial batch ng bakuna ay para sa mga frontliners, indigents, at vulnerable sectors. (Daris Jose)
-
ANDREA, naniniwala na kailangang i-maintain ang ‘well-balanced and healthy lifestyle’; honored na napiling endorser ng Beautéderm
SA last quarter ng 2021, may pasabog na naman ang patuloy na nangunguna na Beautéderm Corporation at pinagsisigawan na ‘take charge of your health’. Sa pamamagitan ito ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters, na isang essential line ng mga health supplements na ine-endorse ng newest ambassador na si Andrea Brillantes. […]
-
2 wanted na ‘rapist’ nadakma ng Valenzuela police
LAGLAG sa selda ang dalawang manyakis na kelot na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos madakma ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Taytay, Rizal at Valenzuela City. Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon […]
-
Kahit busy sa showbiz career: MATTEO, naka-graduate na sa kursong Marketing Management
NAKAKA-HAPPY kapag may mga celebrities tayo na sa kabila ng pagiging busy sa kanilang showbiz career ay nakukuha pang i-prioritize ang pag-aaral hanggang makapagtapos. Isa sa mga bagong graduates ng batch 2023 ay si Matteo Guidicelli. Nito lamang Disyembre ay nakamit na ni Matteo ang kanyang college bachelor’s degree sa kursong […]