• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Robredo, balik Pinas matapos ang graduation ng anak sa US

BALIK-Pinas na si Vice President Leni Robredo mula Estados Unidos kung saan dumalo siya sa graduation ng kanyang anak na si Jillian.

 

 

Si Robredo, kasama ang kanyang anak ay dumating sa Ninoy Aquino Terminal 1, alas-10:30 ng gabi, araw ng Sabado.

 

 

Nag-alok naman ang mga airport authorities ng courtesy assistance para kay Robredo subalit tinanggihan nito at sumailalim sa “usual” arrival process kasama ang ibang pasahero.

 

 

Nagpakuha naman ng litrato ang mga airline workers at mga pasahero kasama si Robredo.

 

 

Isang driver naman ang sumundo sa pamilya Robredo matapos ang airport arrival procedure.

 

 

Sa ulat, nagtapos si Jillian, anak ni Robredo mula sa New York University na may “double major in economics and mathematics.” Lumipad patungong Amerika ang pamilya Robredo noong Mayo 14.

 

 

Sa Facebook post, Linggo ng tanghali, sinabi nito na handa na siyang muling harapin ang kanyang trabaho matapos ang “longest vacation” na mayroon siya sa loob ng 10 taon.

 

 

“It was the first trip where we had no agenda at all, except Jillian’s grad and when we tagged along Tricia’s meetings in Boston. We just walked and walked everyday, averaging about 15,000-20,000 ++ steps everyday. At kumain lang ng kumain,” ang nakasulat sa caption nito, nagbahagi ng kanyang larawan kasama ang kanyang anak sa nasabing byahe.

 

 

Nagbahagi rin si Robredo ng ilan sa kanyang naobserbahan habang nagbi-byahe sa New York, nagpahayag din ng pag-asa na makakamit din ito sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Nakitang lapses sa anti-drug campaign ng pamahalaan, nothing is perfect- Roque

    NOTHING is perfect.   Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging pahayag ni Vice-President Leni Robredo na nagkaroon ng “lapses” sa anti-drug campaign ng pamahalaan matapos ilabas ng Department of Justice (DoJ) ang 20-pahinang detalye ng 52 drug war cases mula sa PNP na nirebyu ng departamento.   “Well, I think like […]

  • Pagdanganan may pag-asa sa Summer Olympic Games

    BIGATIN talaga ang pagtapos ni Bianca Pagdanganan sa apat na magkakatabla sa ikasiyam na puwesto sa nitong lang Oktubre 8-11 na 58th KPMG Women’s Professional Golf Association (PGA) Championship 2020 sa Newtown Square, Pennsylvania, USA.   Ang halaga ang nagbigay sa 22 taong-gulang na tubong Quezon City at bagito pa lang na propesyonal na manlalaro […]

  • Mavs nakaiwas sa sweep ng Warriors

    NAGPOSTE si Luka Doncic ng 30 points, 14 rebounds at 9 assists pa­ra igiya ang Mavericks sa 119-109 paggiba sa Gol­­den State Warriors at makaiwas mawalis sa Wes­­tern Conference finals.     Ito ang ika-10 double-double ni Doncic sa kan­yang 14 games sa post­sea­son para sa 1-3 agwat ng Dallas sa kanilang best-of-seven series ng […]