• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bongbong admin ‘posibleng’ makipagtulungan kay Robredo

KUNG si Sen. Imee Marcos ang tatanungin, pwedeng makipagtulungan ang kapatid niyang si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa karibal at nakalabang si Bise Presidente Leni Robredo — aniya, “walang imposible.”

 

 

Kilalang kritiko ng Martial Law at dikdatura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. — ama nina Bongbong at Imee — si Robredo, na siyang tumakbo rin sa pagkapangulo para sa 2022 ngunit natalo.

 

 

“Everything is possible. ‘Yun nga ang sinasabi ng nanay ko. Walang masamang tinapay. Baka maging kaalyado mo pa,” banggit ni Imee, Miyerkules, sa panayam ng ANC.

 

 

“I think this is what we need to do. I’ve spoken also of a second chance. And the truth is, sometimes a second chance is better than the first time around. Because of course you learned your mistakes from the first time.”

 

 

Una nang inirekomenda ni Imee sa susunod na pangulo na bumuo ng Gabineteng magsisilbing “team of rivals,” kung saan bubuuin ito ng mga magkakalaban sa pulitika ngunit nagkakaisa para sa ikabubuti ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Pagbibitiw ni Duque iginiit

    Lumusob noong Miyerkoles ng umaga ang daan-daang healthcare workers na kaanib ng Alliance of Health Workers at Filipino Nurses United (FNU) sa harap ng head office ng Department of Health (DOH) sa Rizal Avenue, Maynila at nanawagan sa pagbibitiw ni Secretary Francisco Duque III.     Pasado 10:00 ng umaga, unang nagtipun-tipon ang mga health […]

  • Duterte sa DENR: Illegal mining sa Cagayan imbestigahan

    Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Enrivonment Secretary Roy Cimatu ang umano’y illegal mining na dahilan ng malawakang landslides at pagbaha sa kasagsagan ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.   Ito ang ipinag-utos ni Duterte sa ginanap na situation briefing sa Cagayan kung saan maaa­ring ang talamak na mi­ning activities umano sa […]

  • Damang-dama ang kasamaan at kamumuhian: ALLEN, nagpamalas nang kahusayan sa ‘Walker’ at posibleng magka-award na naman

    NAPAKAHUSAY ni Allen Dizon sa bago niyang movie under Sunrise Films titled Walker.     Corrupt na pulis na kabit ni Sunshine Dizon ang role ni Allen sa movie na dinirek ni Joel Lamangan.     Sobrang sama nga lang ng karakter ni Allen na ginawang miserable ang buhay ng pamilya ni Sunshine.     […]