• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 9 most wanted person ng NPD, nadakma ng Valenzuela Police sa SACLEO

KALABOSO na ang number 9 most wanted person ng Northern Police District (NPD) matapos masakote ng mga tauhan ng Valenzuela City Police sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa Pasig City.

 

 

Kinilala Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz ang naarestong akusado bilang si Edrian Palisoc, 30, residente ng West River Bank, Pasig City.

 

 

Si Palisoc ay inaresto ng mga tauhan ng Valenzuela Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni Deputy Chief PLt. Albert Verano, kasama sina PCMS Melvin Mendoza, PCMS Hanival Parinas, PSSg Gilbert Orellano, PSSg Darius Orale, PCpl Rosario Cruz, at PCpl Ryan Axibal,  at Sub-Station 7 ng Pasig police sa isinagawang joint manhunt operation sa Legaspi-West River Bank Road, Pasig City dakong alas-2:47 ng hapon.

 

 

Ayon kay SIS chief Police Major Marissa Arellano, dinakip si Palisoc sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong ‘Robbery in Band’ na inisyu noong March 24, 2022 ni Judge Evangeline Francisco ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City.

 

 

Sinabi pa ni Arellano na sa kanilang isinagawang background check kay Palisoc, napag-alaman nila na may dati pa itong mga kaso, kabilang ang theft, robbery, Batas Pambansa Bilang 6 o Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Weapons, at Concealing True Name incidents. (Richard Mesa)

Other News
  • Ilang opisyal ng DFA, positibo sa COVID-19

    Sarado muna ang punong tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang sa Martes, Pebrero 2, 2021, para sa pag-disinfect.     Ito ang naging anunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang mga opisyal.     Agad namang nilinaw ni Locsin na negatibo na siya […]

  • Ads May 13, 2022

  • Bong Go: SAP para sa 22.9 milyong Pinoys pabilisin

    Nag-alala si Senator Christopher “Bong” Go sa kalagayan ng mga pamilyang apektado ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine restrictions sa National Capital Region Plus areas dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.     Kaya naman hiniling ni Go sa Department of Social Welfare and Development at mga apektadong local government units na pabilisin […]