• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Robredo, wala pang plano na magtrabaho sa gobyerno

WALA pang plano si Vice President Leni Robredo na pumasok sa alinmang tanggapan ng gobyerno.

 

 

Ayon kay Attorney Ibarra Gutierrez, taga­pagsalita ni Robredo, hindi muna tatanggap ng anumang posisyon sa gobyerno si Robredo dahil nakasentro ang atensyon nito ngayon sa maayos na pagtatapos ng kanyang termino.

 

 

Ang pahayag ng kampo ni Robredo ay ginawa nang mapabalitang bibigyan ito ng posisyon sa Marcos administration.

 

 

“Well, that question is hard to answer since she is yet to be offered a government post. But for now, her focus ay ang maayos na pagtatapos ng kaniyang termino. ‘Yung kaniyang pagkakaroon ng maayos na transition at pagsasara ng lahat na programa ng OVP under her leadership,” sabi pa ni Gutierrez.

 

 

Anya, tutok din si Robredo sa pagiging private citizen na kikilos bilang bahagi ng isang civil society na sisikaping ipagpatuloy ang serbisyo sa mamamayan.

 

 

Plano ni Robredo na maglunsad ng non-go­vernment organization na tatawaging Angat Buhay sa darating na Hulyo 1, isang araw matapos niyang bumaba sa pagka-bise presidente.

 

 

Ang Angat Buhay ay isang anti-poverty program ng Office of the Vice President sa ilalim ni Robredo. (ARA ROMERO)

Other News
  • Hidilyn Diaz-Naranjo gagawa ng ingay sa World Championships

    PILIT na idadagdag ni 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang isa pang kasaysayan sa asam na mailap na medalya sa pagbabalik nito sa aktibong kompetisyon sa pagsabak sa 2022 International Weightlifting Federation World Championships sa Bogota, Columbia.   Naunang dumating ang Filipino Olympic champion sa Bogota, Colombia kasama ang asawa at coach na […]

  • Wala nang extension sa SIM registration – DICT

    NANINDIGAN ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na wala nang mangyayaring isa pang extension sa SIM card registration makaraan ang July 25 deadline para rito.     Ayon kay DICT Assistant Secretary for Cybersecurity Jeffrey Ian Dy, hindi na sila makapagbibigay ng extension dahil ito ang itinatakda ng batas.     Pagsapit ng […]

  • Bureau of Quarantine, naka-heightened alert laban sa FLiRT COVID-19 variants

    INATASAN na ni Department of Health Secretary Ted Herbosa ang Bureau of Quarantine na magsagawa ng masinsinang screening sa points of entry para sa mga pasaherong nagmula sa ibang bansa kung saan na-detect ang bagong COVID-19 “FLiRT” variants.       Kaugnay nito, kinumpirma ni Department of Health (DOH) spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na […]