• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB, binalaan ang mga ride-sharing firms, magde-deploy ng mga ‘mystery riders’ sa gitna ng overcharging

BINALAAN ng mga transportation authority ang mga kumpanya na nasa ride-hailing service market na huwag magpataw ng sobrang pamasahe matapos silang makatanggap ng report ng overcharging laban sa isang player.

 

 

Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakatanggap sila ng reklamo laban sa Joyride Ecommerce Technologies Corp. dahil naningil ito ng ₱1,000 para sa one-way ride para sa tinatawag na “priority boarding fee.”

 

 

Sinabi ng ahensya na nagpadala na sila ng sulat na may petsang Mayo 24 sa Joyride kung saan hinihingan nila ito ng paliwanag kung bakit ang kanilang accreditation bilang transport network company (TNC) “should not be suspended and/or revoked within 10 days from receipt of the show cause order.”

 

 

Itinanggi naman ni Joyride Senior Vice President for Corporate Affairs Noli Eala ang overcharging report.

 

 

“For clarity, a Priority Fee is an optional fee that customers can freely add to the total fare of the booking. It is an industry used term and practice in case a customer would like to tip or incentivize a driver-partner in advance,” ayon kay Eala sa isang kalatas.

 

 

Sinabi pa nito na nagsumite na sila ng paglilinaw sa transport regulator, iginiit na ito’y “compliant with the fare structure set by the LTFRB guidelines.”

 

 

Sinabi pa ni Eala na labis nilang ikinagulat ang naging pahayag ng LTFRB sa media lalo pa’t hindi nakatanggap ang kanilang kumpanya ng anumang desisyon o findings mula sa ahensiya.

 

 

Pagtiyak naman ni LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion na hindi nila sini-single out ang JoyRide.

 

 

“The agency saw it fit to already write all TNCs warning them against the imposition of excessive fare contrary to current guidelines on TNVS (transport network vehicles) fares,” ayon sa LTFRB.

 

 

Idinagdag pa nito na gumawa lamang ang LTFRB ng warning letters sa E-pick Me Up, Ipara, JoyRide, My Taxi PH (Grab), at Cloud Panda.

 

 

Sinabi ng ahensiya na ang pamasahe para sa TNVS ay dapat na :

 

– ₱40.00 flagdown rate para sa sedan-type TNVS, na may ₱15.00 fare per kilometer at ₱2.00 per minute travel fare

– ₱50.00 flagdown rate para sa premium AUV/SUV na may ₱18.00 per kilometer fare at ₱2.00 per minute travel fare

– ₱30.00 flagdown rate para sa Hatchback o Sub-compact type na may ₱13 per kilometer fare rate at ₱2.00 per minute travel fare

 

 

At upang matiyak na sumusunod ang TNCs at TNVS, sinabi ng LTFRB na magde-deploy sila ng mga “mystery riders in the next few days”.

 

 

“Any TNC and/or TNVS caught violating the terms and conditions of the MC shall be subject to fines and penalties,” ang pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Kim, sinagot sa kanyang vlog ang mga mean comments ng mga netizens

    SINAGOT ni Kim Chiu sa pamamagitan ng vlog ang mga mean comments ng mga netizens.   Ayon kay Kim, marami raw kasi ang nagre-request sa kanya na gawin ito at celebration na rin daw dahil naka-2 million subscribers na ang kanyang You Tube channel.   Aniya, “In this video, mag-celebrate tayo ng mga hate messages […]

  • Misunderstanding ng Simbahan, plantsado na

    PLANTSADO na ang maliit na misunderstanding ng Malakanyang at Simbahan na nag-ugat sa pastoral letter na inisyu ng pamunuan ng Simbahang Katolika ukol sa pagpapahintulot nitong makapagsimba ang kanilang miyembro ng hanggang 10% capacity.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pumagitna na kasi si DOJ Secretary Menardo Guevarra kaya’t nagkaliwanagan ang magkabilang panig.   […]

  • Kamara suportado si PBBM na taasan ang pondo ng mga LGUs sa taunang nat’l budget

    TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin  Romualdez sa mga lokal na opisyal partikular sa League of Municipal Mayors  na suportado ng Kamara ang panawagan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na taasan ang share o pondo ng mga LGUs sa taunang national budget.     Ayon kay Romualdez ini-utos ng Pangulo na gawin ang lahat ng nararapat […]