De Los Santos gold ulit sa Markham Open
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
Tuloy ang buhos ng gintong medalya para kay Orencio James De Los Santos matapos muling pagharian ang men’s seniors individual kata ng Nox Dojo Markham City Open.
Isa na namang world class performance ang ipinamalas ng 30-anyos Pinoy bet para gapiin si Domont Matias Moreno ng Switzerland sa iskor na 25.3 – 24.2 sa championship round.
Nakapasok sa finals si De Los Santos nang igupo nito si Ali Mirkarimi ng Canada sa quarterfinals (24.9 – 20.9) at Alfredo Bustamante ng Amerika sa semifinals (25.9 – 24.9).
Ito ang ika-21 ginto ni De Los Santos upang mas patatagin ang kanyang kapit sa No. 1 spot sa world rankings.
“Continuing to widen the gap in the virtual kata world rankings! I’m much more motivated,” ani De Los Santos na sariwa pa sa kampeonato sa Okinawa E-Tournament World Series noong Sabado.
Samantala, nakahirit ng dalawang gintong medalya si Julia Marcos sa women’s seniors individual kata at women’s Under-21 individual kata habang naka-pilak naman si Fatima Hamsain sa female Under-15 individual kata category sa Okinawa event.
-
Mas maraming taong makalabas ng bahay, pinagayan na ng gabinete –Palasyo
KINUMPIRMA ng Malacañang na mas maraming tao na ang pinapayagan ng gabinete na makalabas mula sa kanilang mga bahay bilang bahagi ng pagbuhay sa ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Presidential Spokes- man Harry Roque, inaprubahan sa full-Cabinet meeting kagabi ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) para […]
-
Payroll pineke: Empleyado ng PSC buking sa P14.4M fraud
Isang empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation dahil sa pamemeke ng payroll ng mga atleta at coaches. Kinilala ni NBI officer-in-charge Eric B. Distor ang naaresto na si Paul Michael Padua Ignacio. Nag-ugat ang reklamo kay Ignacio mula sa liham na ipinadala ng […]
-
Magdadala ng emosyon at excitement sa ‘Ang Himala ni Niño’: CEDRICK at ZION, hatid ang kakaiba nilang husay sa pag-arte
PATULOY na inaabangan at tinatangkilik ang bagong family drama ng TV5 na Ang Himala ni Niño. Kuhang-kuha ng kwento ang puso ng mga manonood, lalo na dahil sa husay ng batang bida nito na si Zion Cruz. Inaabangan naman ang pagpasok ng award-winning actor na si Cedrick Juan sa naturang serre. Siguradong magdadala […]