• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utang ng Pinas ‘manageable’ pa – DOF

NANATILI umanong “manageable” ang fo­reign borrowings ng bansa sa kabila ng record-high debts ng Pilipinas sa gitna ng mahabang laban kontra COVID-19.

 

 

Sa economic bulletin na inilabas ni Department of Finance (DOF) chief economist undersecretary Gil Beltran, sinabi nito na bagamat tumaas ang external debt stock ng bansa sa 8.1 percent sa $106.4 bilyon kada taon na kauna-unahang pagkakataon na lumampas sa $00 billion level na equivalent sa 27%ng gross domestic product o GDP ay bahagya pa rin itong mababa mula sa 27.2 percent noong 2020 ng ang GDP ay bumaba sa gitna ng worst post-war recession dulot ng COVID-19.

 

 

Sa katunayan ayon pa kay Beltran, nananati­ling pinakamababa ito sa Asean-5 kaya nasa ma­nageable level pa umano ang utang panlabas ng Pilipinas.

 

 

Ang kabuuang external debt figure ng bansa na kamakailan lamang ay ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nagpapakita na “over three-fifths ng foreign obligations ay ginawa ng gobyerno habang ang iba ay inutang ng pribadong sektor.

 

 

Makikita naman uma­no sa pinakabagong data ng Bureau of the Treasury (BTr) na sa naitalang P12.76-trillion outstanding debt ng national go­vernment nitong katapusan ng Abril, tanging 30% lamang o P3.83-trilyon ang foreign borrowings. Karamihan sa hiniraman ng gobyerno ay lokal.

 

 

Kung ikukumpara sa Asean-5 peers, ang 2021 external debt-sa -GDP ratio ay pinakamababa sa hanay ng rehiyon lalo na pagdating sa developing economies gaya ng Malaysia 69.3%, Thailand 39%, Vietnam 38.6%, at Indonesia 35%.

 

 

Noong nakaraang taon, nangutang ang Pilipinas ng $2 billion mula sa tatlong multilateral lenders — ang Manila-headquartered Asian Development Bank (ADB), China-led Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at maging ang Washington-based World Bank —para i- bankroll ang mass vaccination program nito laban sa COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • Director James Wan Takes Beyond Atlantis in “Aquaman and the Lost Kingdom”

    DISCOVER new worlds, mythical quests, and the challenges of Arthur and Orm. Immerse yourself in a world of color, fantasy, and epic storytelling.   James Wan, the acclaimed director of “Aquaman,” is back with a vibrant sequel, “Aquaman and The Lost Kingdom.” This time, the underwater world of Atlantis is not just revisited but expanded, […]

  • Alden at Jasmine, kinakiligan at pinuri ang chemistry

    THANKFUL ang GMA Entertainment Group dahil nagustuhan ng mga televiewers ang bagong handog nilang drama anthology na I Can See You na ang pilot episode ay ang “Love On The Balcony” na nagtatampok kina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Pancho Magno with Shyr Valdez and Denise Barbacena, sa direksyon ni LA Madridejos.   Weekly series ang […]

  • PBA tumutulong sa UAAP, NCAA

    MATAPOS ang ilang kumperensiya sa bubble, kabisado na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pasikot-sikot sa isang bubble setup.     Kaya naman tumutulong ang PBA sa University of the Philippines Athletic Association (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa pagbuo ng bubble upang matuloy ang planong pagbabalik-aksyon ng dalawang pamosong collegiate leagues sa […]