• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hirit ng mga transport group na dagdag pasahe, posibleng madesisyunan – LTFRB

SIGURADO umanong bago ang Hunyo 30 ay makakapagpalabas na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng desisyon kaugnay ng hirit ng ilang transport group na dagdag pasahe.

 

 

Sinabi ni LTFRB executive Dir. Maria Kristina Cassion, sisikapin daw ng board na makapagpalabas ng desisyon hanggang sa katapusan ng buwan.

 

 

May kahilingan din umano ang mga jeepney operators na maging P2.50 ang kada kilometro.

 

 

Una rito, sinabi ni Cassion na pinag-aaralan na ng ng LTFRB ang hirit ng ilang transport group na dagdagan ng P5.00 ang minimum na pasahe sa mga public utility vehicle (PUV) sa bansa.

 

 

Isasagawa naman daw ang pagdinig sa petisyon sa Hunyo 28.

 

 

Aniya, hinihimay nila nang husto ang nilalaman ng petisyon sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Sa petisyon aniya ng 1UTAK, Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Phillippines (ALTODAP) at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), nais nilang gawing P14 ang minimum na pasahe mula sa dating P9.00 dahil wala na umano silang kinikita.

 

 

Idinahilan din ng mga transport group ang madalang na pasahero na ang karamihan ay sinamantala ang “Libreng Sakay” program ng gobyerno.

 

 

Matatandaang inaprubahan ng LTFRB ang P1.00 dagdag-pasahe sa mga PUV sa Metro Manila, Region 3 at Region 4. (Daris Jose)

Other News
  • Pinoy na dumanas ng gutom dumami – SWS

    TUMAAS sa 14.2 percent ang bilang ng mga ­pamilyang Pinoy na dumanas ng gutom sa bansa, batay sa latest survey na naipalabas ng Social Weather station na ginawa noong March 2024.       Ang naturang porsyento ay mataas sa 10.7 percent annual hunger rate noong 2023 ng mga pamilyang gutom at walang makain.   […]

  • Estudyante, house keeper at mangingisda huli sa pot-session

    NADAKIP ng mga tauhan ng Maritime Police ang tatlong hinihinalang sangkot sa droga matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu, kabilang ang na-rescueng 15-anyos na estudyante sa Navotas city.   Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) P/Maj. Rommel Sobrido ang mga naaresto na si Jocelyn Labuga, 52, house keeper ng Kadamay St. Market 3 Brgy. […]

  • CHED, gustong i-digitalized ang scholarships, ibang serbisyo

    PALALAWAKIN ng Commission on Higher Education (CHED) ang  digitalization efforts ng administrasyon para ma-cover ang mas marami pang serbisyo kabilang na ang scholarship.     Ang  pahayag na ito ni CHED chairperson Prospero de Vera III  ay matapos tintahan ng CHED at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang memorandum of understanding (MOU) para […]