Estudyante, house keeper at mangingisda huli sa pot-session
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
NADAKIP ng mga tauhan ng Maritime Police ang tatlong hinihinalang sangkot sa droga matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu, kabilang ang na-rescueng 15-anyos na estudyante sa Navotas city.
Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) P/Maj. Rommel Sobrido ang mga naaresto na si Jocelyn Labuga, 52, house keeper ng Kadamay St. Market 3 Brgy. NBBN, Ariel Barcelona, 49, mangingisda ng Blk 3, Market 3 at ang 15-anyos na grade 6 student na itinago sa pangalang “Rosana”.
Ayon kay P/Maj. Sobrido, alas- 11 ng gabi nang respondehan ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia, kasama ang dalawang tauhan ng WCPD ang natanggap na tawag mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong pot-session sa Kadamay St. Brgy. NBBN.
Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu ang tatlo na naging dahilan upang arestuhin nila si Labuga at Barcelona habang na-rescue naman ang menor de edad.
Nakumpiska sa mga dinakip ang sachet ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalias.
Kinasuhan ng pulisya ng paglabag sa Comprehensive Dan- gerous Drugs Act of 2002 si Labuga at Barcelona habang tinurn-over naman sa DSWD ang na-rescueng menor de edad. (Richard Mesa)
-
Bong Go, kinumpirma ang PRRD-BBM meeting…
KINUMPIRMA ni Senador Christopher “Bong” Go, ang nangyaring miting o pulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at presidential aspirant Bongbong Marcos. Sa isang panayam matapos na bisitahin ni Go ang Malasakit Center at turnover ceremony ng financial assistance mula sa Office of the President sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon […]
-
Saso ginantimpalaan ng P1.099M
PINOSTE ni Yuka Saso ang maangas na laro sa tatlong araw, tumipa ng five-under 67, pero mabuting panabla lang kasama ang tatlong iba para sa pangwalong puwesto sa wakas kamakalawa (Linggo) ng 51 st Descente Ladies Tokay Classic na pinanalunan ni Nippon Ayaka Furue sa Shinminami Country Club-Mihami Course sa Aichi Prefecture , Japan. […]
-
Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan
MULING hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan […]