• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Mag-ipon sa bangko, sa halip na sa alkansya’ – BSP

HINIMOK ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na isaayos ang pag-iipon ngayong panahon ng pandemya.

 

 

Lumalabas kasi na marami ang nag-iipon ngunit nakalagay lamang ito sa mga piggy bank, jar o anumang container sa mga bahay.

 

 

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, maliban sa hindi ito nakakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya, nagiging problema pa ng gobyerno kung magiging kalakaran na sa marami.

 

 

Nagiging limitado kasi ang umiikot na pera sa merkado dahil sa artificial shortage ng coins at bills.

 

 

“The unnecessary accumulation of banknotes and coins prevents Philippine currency from being recirculated and used as payment instrument,” wika ni Diokno.

 

 

Sa ganitong punto, napipilitan umano ang BSP na gumastos para sa paglalabas ng bagong mga pera na iikot sa merkado.

 

 

Para sa BSP head, mas may pakinabang sa estado at sa mismong nag-iipon kung ilalagak ito sa bangko.

 

 

Maliban sa iikot ang pera na mahalaga sa ekonomiya, nababantayan din umano ito sa pamamagitan ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) at nagkakaroon pa ng interest ang inilalagak na salapi.

Other News
  • Panukalang pambansang pondo para sa 2024, tinatayang mailalabas na – DBM

    NAKATAKDANG maisapinal ang pondo para sa 2024 sa ikalawang linggo ng Mayo kung saan bulto ng expenditure program ay inilaan para sa social services sector.     Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, hiniling na ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga ahensiya at tanggapan ng gobyerno para magsumite ng kanilang budget proposal […]

  • 2 nalambat sa buy-bust sa Navotas, Valenzuela

    DALAWANG hinihinalang tulak ng illegal na droga ang natimbog sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Navotas at Valenzuela Cities.     Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ng buy-bust […]

  • Miss Universe 2018 Catriona Gray, tuluy-tuloy ang pagsama sa mga relief operations ng Philippine Red Cross

    Five months na last December 6 ang baby boy nila Max Collins at Pancho Magno na si Skye Anakin.   Sa video post ni Pancho sa Instagram, pinakita niya ba marunong nang mag-smile si Skye tuwing kinakausap nila ito.   “Hi Everyone! I’m 5 months old today,” simpleng caption ni Pancho sa video.   Si […]