BBM pamumunuan ang Department of Agriculture
- Published on June 22, 2022
- by @peoplesbalita
PAMUMUNUAN ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) kasabay ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng bansa sa unang bahagi ng kanyang administrasyon.
Si Marcos mismo ang nag-anunsyo sa kanyang hahawakang posisyon bago ang kanyang panunumpa bilang pangulo sa Hunyo 30.
Ipinahiwatig ni Marcos na pansamantala lamang ang gagawin niyang paghawak sa DA habang inihahanda ang departamento sa mga susunod na taon.
“I have decided to take on the portfolio of Secretary of Agriculture, at least for now… At least until we can re-organize the Department of Agriculture in a way that will make it ready for the next years to come,” ani Marcos sa isang press briefing.
Aminado si Marcos na malaki ang problema sa agrikultura kaya siya na muna ang hahawak sa DA.
Ayon pa sa incoming President, marami ang kailangang palitan at mga opisina na hindi nagagamit para mas maging kapaki-pakinabang pagkatapos ng pandemya.
Tiniyak din ni Marcos na magkakaroon ng “restructuring” sa DA.
“Marami tayong kailangan palitan, iba’t ibang opisina na hindi na nagagamit na kailangang i-retool post-pandemic. We’re going back to basics and we will rebuild the value chain of agriculture,” ani Marcos.
Ipinunto rin ni Marcos na maraming mga prayoridad pagdating sa agrikultura lalo na ang pagpapataas ng produksiyon.
Nagbabala rin si Marcos na magkakaroon ng kakulangan sa pagkain sa mga susunod na panahon dahil sa mga nangyayari sa labas ng bansa na nakakaapekto sa suplay ng pagkain.
“There will be a shortage or increase in food prices in the next quarters that will come, simply because of outside forces that have been impacting upon food supply,” ani Marcos. (Daris Jose)
-
PDP-Laban exec Evardone, inendorso ang presidential bid ni Leni Robredo
INENDORSO ng isang mataas na opisyal ng ruling party PDP-Laban, araw ng Lunes ang presidential candidacy ni Vice President Leni Robredo base sa kuwalipikasyon na itinakda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte for para maging successor nito. Naniniwala si Eastern Samar Governor Ben Evardone, nagsisilbi bilang PDP-Laban vice president for the Visayas, “virtually” ay […]
-
Duterte infomercial: ‘Bakuna lang ang panlaban sa COVID-19 pandemic, kaya magpabakuna na tayong lahat’
Patuloy na hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taongbayan na magpabakuna na. Sa “Resbakuna Kasangga ng Bida” campaign ng Department of Health (DOH), binigyang-diin ni Pangulong Duterte na ang bakuna lamang ang tanging paraan para malabanan ang COVID-19 pandemic. Iginiit ni Pangulong Duterte sa nasabing infomercial na dapat tandaan na ang bakuna […]
-
DEPLOYMENT NG MGA HEALTH WORKERS, IREREKOMENDA
IREREKOMENDA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magdagdag ng deployment cap ng mga healthcare workers overseas kasunod ng apela ng Medical Technology Group. Maaalala na ipinataw ang pansamantalang 5,000 deployment cap noong nakaraang taon upang hindi maubusan ng health workers sa bansa na tutugon sa gitna ng pandemya. […]