Abogadong Pinoy na nabaril sa Philadelphia, pumanaw na
- Published on June 22, 2022
- by @peoplesbalita
PUMANAW na ang 35-anyos na abugadong Pinoy na nabaril habang nagbabakasyon sa Philadelphia sa Amerika.
Sa Facebook account ng kanyang inang si Leah Bustamante Laylo, inanunsyo nito na alas 10:33 ng gabi kagabi, Philippine time nang bawian ng buhay si John Albert Laylo.
Ayon kay Philippine Consulate General in New York Elmer Cato, tinamaan sa ulo si John ng isa sa 6 na bala na pinaputok sa sinasakyang uber ng mag-ina.
Nagtamo naman ng 3 shrapnel wounds ang ina ng biktima.
Sinabi ni Cato na patungo sana ang mag-ina sa airport para sa kanilang flight patungong Chicago bandang alas 4 ng umaga.
Sa ngayon ay wala pang development ang Philadelphia Police sa nangyaring pamamaril.
-
478K OFWs apektado ng pandemya – DOLE
PUMALO na sa mahigit 478,000 ang overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng pandemya, ayon sa ulat. Tinatayang 229,000 OFWs naman na ang napauwi buhat nitong October 1, batay kay Labor Secretary Silvestre Bello III. Paliwanag ni Bello, kapag may humingi ng tulong na OFWs ay hindi na nila ito tinatanong pa kung […]
-
Planong pahiyain si BBM, totoo
MAYROON diumanong sabwatan para kutyain at ipahiya si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang dungisan ang reputasyon nito. Tinukoy ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang isang mapagkakatiwalaang source, nagbabala ang dating mambabatas na may ilang grupo mula sa Estados Unidos at Pilipinas ang sinasabing magkasabwat upang gawan ng gulo si Marcos. […]
-
Ex-CamSur Rep. Rolando Andaya patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang kwarto
PATAY na nang matagpuan si dating Camarines Sur 4th District Representative Rolando “Nonoy” Andaya Jr., 53, residente ng Saint Jude Orchard, Concepcion Grande, Naga City. Ito rin mismo ang kinumpirmang mga anak ng biktima sa pamamagitan ng Facebook post. Gayunman hindi binanggit ng mga ito kung ano ang ikinamatay ng ama. […]