• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Reyes hinirang na PBAPC Coach of the Year

KINILALA si Chot Reyes ng TNT Tropang Giga bilang PBA Press Corps (PBAPC) Coach of the Year para sa Season 46 matapos pagharian ang nakaraang Phlippine Cup.

 

 

Tatanggapin ng 58-anyos na si Reyes ang kanyang ikaanim na Virgilio ‘Baby’ Dalupan trophy sa traditional Awards Night ngayon sa Novotel Manila Araneta Center.

 

 

Tinalo ni Reyes si Tim Cone ng Barangay Ginebra para sa nasabing award makaraang bumalik sa PBA matapos ang halos isang dekadang pagkawala.

 

 

Ang pang-anim na Coach of the Year award ni Reyes ang pinakamarami sa kasaysayan ng PBAPC, ngunit kauna-uanahan para sa kanya matapos noong 2011.

 

 

Pamumunuan ni Reyes ang 14 pang awardees na pararangalan ng mga nagkokober sa PBA beat sa two-hour affair na pamamahalaan nina veteran sportscaster Sev Sarmenta at dating courtside reporter at ngayon ay news anchor na si Rizza Diaz.

 

 

Si re-elected Bulakan, Bulacan Mayor at dating MVP Vergel Meneses ang tatayong guest of honor sa programang magsisimula sa alas-7 ng gabi.

 

 

Si Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua ang tatanggap sa Danny Floro Executive of the Year habang si NorthPort forward Arwind Santos ang gagawaran ng Defensive Player of the Year.

Other News
  • Umiikot na ang mundo ngayon sa anak na si Korben: TOM, ipinagdiinang divorced na sila ni CARLA nang nakilala ang American girlfriend

    SA tanong kay Tom Rodriguez kung kanino niya sasabihin ang mga katagang ‘Huwag Mo ‘Kong Iwan’ na titulo ng pelikula niya, ay deretsahang binanggit niya ang kanyang anak at ang ina ina nito na isang non-showbiz girl na parehong nasa Amerika.   “Kasi sila yung inspiration ko talaga. At kahit malayo man kami sa isa’t […]

  • Latest photo ni ANGEL, pinagpiyestahan na naman ng netizens

    NAGBA-VIRAL ang latest picture ni Angel Locsin na kuha ng isang netizen nang makasabay nitong magsimba o magpunta sa simbahan ang aktres.   In fairness sa kumuha ng picture, natuwa ito na nakita si Angel at gandang-ganda rito. Hindi niya binaggit o binigyan man lang ng pansin kung chubby o tila mas nadagdagan pa ang […]

  • Panukalang batas na gawing regular licensing center ang LTO-Las Pinas extension, aprubado na ng Kamara

    IKINATUWA ni Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar, ang pag-apruba ng Kamara sa 3rd and Final Reading ang panukalang batas na layong i-convert ang Land Transportation Office (LTO) extension para gawin itong regular licensing center.     Sa botong 289 pabor, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8152 nuong Lunes, May 29, 2023. […]