• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sunod na BIR chief ‘kokolektahin pa rin’ estate tax ng Marcoses

NANGAKO ang susunod na commissioner ng Bureau of Internal Revenue na kokolektahin pa rin nila ang tinatayang P203 bilyong estate tax ng pamilya Marcos na hindi pa rin bayad kahit sa ilalim ng administrasyon ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. — aniya, kailangan nilang maging “good example.”

 

 

Ito ang banggit ni Lilia Guillermo sa panayam sa ANC, Miyerkules, habang sinasabing gagawin nila ito basta’t makuha na nila ang “tamang figures.”

 

 

“We have to convert those properties to cash para madagdag sa tax collections ng BIR. And ganun ang gagawin ko,” wika niya.

 

 

“Please give me time to look at the documents. How much are we talking about? I don’t know if it’s really 200-billion. If that is really the amount, imagine, it will really help collections of BIR.”

 

 

Marso 2022 lang nang sabihin ng kawanihang inuutusan nila ang pamilya Marcos na bayaran ang naturang utang. Taong 1991 nang ma-assess ng BIR na P23.29 bilyon ang naturang estate tax, ngunit nagkaroon na ito ng interes dahilan para ipako ito ng ilan sa P203.81 bilyon.

 

 

“Please give me time to look at the documents. How much are we talking about? I don’t know if it’s really 200-billion. If that is really the amount, imagine, it will really help collections of BIR.”

 

 

Paniwala ng susunod na BIR chief, ganito rin ang mismong magiging posisyon ni Diokno pagdating sa paghahabol ng naturang estate tax.

 

 

Sa kabila nito, una nang dumistansya si Diokno pagdating sa isyu ng estate tax, habang sinasabing “hindi dapat” idinidiin sa kanya ang bigat ng isyu.

 

 

Una nang sinabi ni outgoing Finance Secretary Carlos Dominguez III na desidido ang gobyernong kolektahin ang estate tax ng mga Marcos.

 

 

Marso lang nang magbabala si retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na posibleng hindi makolekta ang mga naturang utang oras na umupo sa Malacañang si Bongbong.

 

 

Ang mga naturang buwis ay iba pa sa mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos noong diktadura, na kinilalala na rin ng Korte Suprema noong 2003, 2012 at 2017. (Daris Jose)

Other News
  • 1 kaso ng South African variant naitala sa PGH

    Naalarma ang mga healthcare workers ng Philippine General Hospital (PGH) makaraang biglaang sumirit ang kaso ng COVID-19 kabilang ang isang kaso ng South African variant.     Sinabi ni PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na nakapagtala na ng 105 bagong kaso ng COVID-19 nitong nakaraang Sabado. Ito na ang pinakamalaking bilang na naitala sa […]

  • Ads March 31, 2022

  • Cabinet members ni Pangulong Duterte, handang makasama sa priority list ng COVID vax kung nanaisin ng president

    Nakahanda umano ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na makasama sa priority list ng COVID-19 vaccination kung magiging daan ito upang magkaroon ng tiwala ang publiko sa bakuna.     Paglilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi sila kasama sa priority list dahil ang talagang pinaka-unang prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan […]