PH Embassy, tinulungan ang pamilya ng mga Filipinong namatay sa car crash sa NZ
- Published on June 23, 2022
- by @peoplesbalita
NANGAKO ang Philippine Embassy sa Wellington na magpapaabot ito ng tulong sa pamilya ng mga namatay sa isang aksidente sa kalsada sa Picton, New Zealand nitong Linggo ng umaga.
Sa isang public post, araw ng Martes, nagpaabot ng pakikidalamhati at pakikiramay si Ambassador to New Zealand Jesus Domingo sa pamilya ng mga biktima.
“Our condolences and prayers for our Kababayan who perished in Picton. The Embassy & POLO (Philippine Overseas Labor Office) in Wellington are assisting the family,” ayon kay Domingo sa kanyang Facebook account.
Sa ulat, nasa pitong indibidwal, kabilang ang mga miyembro ng Filipino community, ang namatay sa isang aksidente sa kalsada sa New Zealand nitong Linggo ng umaga, sabi ng mga ulat ng media.
Sa ulat sa Stuff nasa pitong tao mula sa isang pamilya sa Auckland ang namatay at dalawa ang malubhang nasugatan matapos na bumangga ang kanilang van sa isang refrigerated goods truck sa State Highway 1 sa pagitan ng Blenheim at Picton.
Hindi sinabi sa ulat kung ilan sa mga biktima ang mga Filipino ngunit sinabing isa sa mga nasawi ay isang sanggol na wala pang 1 taong gulang.
Bukod sa dalawang nasugatan, nakaligtas din sa aksidente ang isang miyembro ng pamilya na isang estudyante, ayon sa hiwalay na artikulo ng Stuff sa insidente.
Nagtamo ng minor injuries ang driver ng trak at nakalabas na umano ng ospital noong Linggo ng gabi.
Habang nagpapatuloy ang mga pagsisiyasat, sinabi ni Tasman District commander Paul Borrell na may mga maagang indikasyon na malamang na tumawid ang van sa gitnang linya bago ito bumangga sa trak.
Ayon sa ulat, ang road crash ay ang pinakanakamamatay sa South Island sa mahigit dalawang dekada, at isa sa pinakamasama sa New Zealand sa pangkalahatan. (Daris Jose)
-
2 million target COVID test, kayang maabot hanggang sa susunod na buwan
KUMPIYANSA ang gobyerno na aabot sa dalawang milyon ang kabuuang datos na sumailalim na sa PCR test sa susunod na buwan. Ayon kay Testing Czar Secretary Vince Dizon, ito’y dahil na rin sa mas marami ng test laboratories na mayroon sa buong bansa na ngayon ay nasa 94 na. “As of July 26”, sinabi ni […]
-
Ads April 14, 2021
-
‘Tuition hike, asahan sa mga unibesidad at kolehiyo sa bansa’ – CHEd
Inilatag ni Commission on Higher Education (CHEd) Commissioner Aldrin Darilag ang posibleng kaharapin na hamon ng mga estudyante at kanilang mga magulang dulot ng coronavirus pandemic. Ito’y dahil na rin sa biglang pagbaba ng mga estudyanteng nag-enroll sa susunod na semester pati na rin ang malaking pagkalugi ng mga private higher education institutions. […]