Pag-review sa K-12 program sa PH, suportado ng sektor ng mga guro
- Published on June 25, 2022
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ng sektor ng mga guro sa bansa ang panawagang busisiin ang K-12 program para ganap na matugunan ang mga probema dito.
Ayon kay ACT Teachers party-list lawmaker France Castro, maghahain muli ito ng isang resolution sa 19th Congress na hihikayat sa House of Representatives na magsagawa ng pagsisiyasat partikular na sa ilang nakitang problema sa implementasyon ng programa at iginiit na napapanahon na para pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang matagal ng mga suliranin sa edukasyon.
Hinikayat din ng mambabatas si incoming Education Secretary at VP-elect Sara Duterte-Carpio na pakinggan ang hinaing ng publiko na tignan ang realidad at epekto ng mababang pondo, mababang sahod at kakulangan bunsod ng ipinapatupad na enhanced basic education program.
Aniya, ang mga kakulangang ito ay hindi lamang sa mga pasilidad at learning materials kundi maging ang suporta para sa sapat na sahod at benepisyo para sa mga guro at nonteching personnel na pangunahing apektado sa kalidad ng edukasyon sa bansa.
Iginiit din ng mambabatas na sa ilalim ng K-12 program hindi aniya napataas ang antas ng basic education curriculum subalit napahaba lamang aniya nito ng dalawang taon ang sekondarya at nagpadagdag sa mga aralin ng mga estudyante kung saan marami ang napag-iwanan.
-
First team-up nina BEA at ALDEN, inaasahan na magiging matagumpay tulad ng ‘Hello Love Goodbye’
MARAMING fans nina Alden Richards at Bea Alonzo ang nagpahayag nang suporta nila sa unang pagtatambal sa pelikula ng dalawang sikat na celebrities, na parehong endorsers ng isang shampoo brand. Personal daw na nagpaalam si Bea kay Carlo Katigbak, ang president at CEO ng ABS-CBN. Bago raw tinanggap ni Bea ang offer na […]
-
Number coding posibleng ibalik na – MMDA
May posibilidad na maibalik na ang ‘number coding scheme’ ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pagsikip na ng trapiko sa halos lahat ng kalsada sa Metro Manila ngayong palapit na ang Pasko at pagsailalim ng rehiyon sa mas maluwag na Alert Level 2. Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na pinag-aaralan […]
-
3 Filipino cardinals dumadalo sa ipinatawag na ‘consistory’ sa Vatican ni Pope Francis
NASA tatlong mga Filipino cardinals ang nasa Vatican ngayon upang dumalo sa dalawang araw na extraordinary consistory na ipinatawag ni Pope Francis. Kinumpirma ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang naturang impormasyon sa pamamagitan nang paglalabas ng larawan na magkakasama sa Vatican sina Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery […]