Nuclear power , maaaring bumaba ang electricity cost; ERC, pinayuhan ang susunod na administrasyon
- Published on June 28, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa incoming Marcos administration na maaaring makapagpababa sa halaga ng kuryente sa Pilipinas ang idagdag o isama ang nuclear energy sa power mix ng bansa.
Tinanong kasi si ERC chairperson Agnes Devanadera kung ano ang kanyang mairerekomenda sa susunod na administrasyon upang matugunan ang kasalukuyang problema sa power supply sa bansa.
“Kailangan ma-determine ng pamahalaan ano talaga ang energy mix. Anong percent ang renewable energy, anong percent ang coal, anong percent ang biomass? Isama na ang nuclear kasi ang hinahanap natin ay reliable and reasonably priced source of energy,” ani Devanadera.
“Ang nuclear, isa yan sa posibleng makapagpababa ng ating cost ng kuryente at ‘yan naman, iba ang technology sa nuclear. Hindi naman kailangan katulad ng Bataan Nuclear Power Plant na pagkalaki-laki. Meron na tayong modular na mas madaling itayo,” dagdag na pahayag nito.
Ang pahayag na ito ni Devanadera ay matapos na ilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid sa ilalim ng yellow alert status noong nakaraang linggo.
Ang yellow alert status ay palatandaan na ang grid ay mayroong manipis na reserves base sa pagkakaiba sa pagitan ng “supply and demand,” na mayroong 11,959 megawatts na available capacity kumpara sa 11,350 megawatts peak demand.
Gayunman, pinaalalahanan ni Devanadera ang administrasyong Marcos na ang paglalagay ng bagong sources ng energy gaya ng nuclear power ay maaaring matagalan habang ang demand-side management ay kailangan. (Daris Jose)
-
Ads February 10, 2024
-
Kelot na problemado sa relasyon sa ka-live-in, may arrest warrants, nagbigti, todas
MATAPOS ang dalawang araw na pagkaka-comatose sa pagamutan, binawian ng buhay ang isang lalaking akusado sa pagnanakaw at problemado sa relasyon sa kanyang live-in partner makaraang magbigti sa Navotas City. Alas-3:28 kamakalawa ng hapon nang ideklarang patay ng mga doktor sa Navotas City Hospital ang 29-anyos na biktima na naunang nadiskubre ng kanyang […]
-
MM, maaaring ibalik sa MECQ
MAAARING ibalik ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kapag ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot sa 85,000 gaya ng pinroject ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP). “That’s a distinct possibility, although it’s a possibility that I wish would not happen,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. […]