Desisyon ni Marcos na laktawan ang presidential debates, tama- PDU30
- Published on June 29, 2022
- by @peoplesbalita
TAMA lang ang ginawang desisyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mag-skip o laktawan ang presidential debates sa panahon ng campaign period.
Iyon ay dahil na rin sa limited time para idepensa ang kanilang sagot.
“During the campaign, we had a limited time to talk, and the next time that you are a candidate, you are invited to do that… Tama si Marcos, decline,” ayon kay Pangulong Duterte sa isang talumpati sa isinagawang oath-taking ng mga local officials sa kanyang hometown sa Davao City.
Tanging ang mga nagmamay-ari aniya ng TV stations ang nakinabang sa mga debate dahil sila naman ang kumikita ng pera para sa “airing ng debate.”
“We were only given half a minute or one minute and that’s it. You cannot even talk further… It was for show. It earns money for them at your expense sometimes,” dagdag na pahayag nito.
Sa buong campaign period, mas pinili ni Marcos na hwuag dumalo sa kahit na anumang presidential debates na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec) at mga major TV stations dahil sa kanyang busy schedule.
Gayunman, dumalo naman si Marcos sa presidential debate na inorganisa ni Pastor Apollo Quiboloy ng Sonshine Media Network International (SMNI). (Daris Jose)
-
Practice facilities ng Nuggets, isinara matapos dapuan ng COVID-19 ang 3 miyembro ng traveling party
Isinara muna ng Denver Nuggets ang kanilang mga pasilidad matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlong kasapi ng traveling party ng koponan. Sa anunsyo ng team, asymptomatic o wala naman daw sintomas ng deadly virus ang tatlo. Binubuo ng 35 na miyembro ang traveling party ng Nuggets, na kinabibilangan ng […]
-
Dahil ibibigay na ang noontime slot sa TVJ: ‘It’s Showtime’ nina VICE GANDA, ‘di na ire-renew ng TV5
NALUNGKOT ang mga viewers ng “It’s Showtime” nang malaman nilang wala na palang balak ang TV5 na i-renew ang show sa kanilang noontime slot matapos magwagi ang bagong bihis na “Eat Bulaga” against them. Sa interview kay Manny V. Pangilinan, TV5 owner, desidido umano ang kanilang pamunuan na ibigay na ang noontime timeslot […]
-
Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, walang ‘input’ sa gov’t appointments- PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang ‘input’ ang kanyang asawa na si Unang Ginang Louise “Liza” Araneta-Marcos sa mga appointments na kanyang ginagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon. Tinanong kasi ang Pangulo kung may ‘kamay’ din ba ang Unang Ginang sa kanyang mga napipili bilang miyembro ng kanyang official family. “Zero, she really […]