• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 sangkot sa droga timbog sa buy-bust

Tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Navotas at Valenzuela Cities.

 

Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa P. De Vera St., Brgy. Sipac Almasen.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Dennis Villanueva, 55 matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

Kasama ring inaresto ng mga operatiba si Ernando Borja, 37, na sinasabing umiiskor ng droga kay Villanueva. Narekober sa mga suspek ang 202 gramo ng shabu na tinatayang nasa P14,960 ang halaga, buy-bust money at P300 bills.

 

Sa Valenzuela city, natimbog din ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU team si Joseph Laganina, 35, sa buy-bust operation sa P. Gomez St. Brgy. Maysan sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega.

 

Ani SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr., nakuha kay Laganina ang 1 gramo ng shabu na nasa P6,800 ang halaga, P300 buy-bust money, P200 bills at dalawang cellphones. (Richard Mesa)

Other News
  • DTI, suportado ang muling pagbubukas ng mga gyms sa Kalakhang Maynila sa Setyembre 30

    SINABI ng Department of Trade and Industry (DTI) na suportado nito ang muling pagbubukas ng mga gyms sa Kalakhang Maynila pagkatapos ng Setyembre 30 o kahit pa manatili ang rehiyon sa ilalim ng COVID-19 alert 4.   Pinag-aaralan nang mabuti ng technical working group ang panukala ng DTI na lagyan ng cap ang indoor capacity […]

  • Pingris pasok sa Gilas coaching staff

    BALIK GILAS Pilipinas si Marc Pingris para sa first window ng FIBA World Cup Qualifiers na idaraos sa Pebrero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.     Subalit hindi bilang player kundi bahagi ng coaching staff.     Mismong ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ang nagkumpirma na makakasama ni Gilas Pilipinas head […]

  • Utang ng Pilipinas nakapagtala ng bagong record na umabot sa P12.6T

    MAS lumawak pa ang utang ng gobyerno ng Pilipinas kung kaya ay nakapagtala na naman ito ng bagong record-high noong katapusan ng Marso.     Ito ay sa gitna ng patuloy na pagsisikap na makahiram upang palakasin pa ang kaban ng estado para sa mga gagawing hakbang sa pagbawi ng COVID-19 kasama ng mas mahinang […]