• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inflation pinakamataas simula Nobyembre 2018 matapos sumirit sa 6.1%

NAITALA nitong Hunyo ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa Pilipinas sa nakalipas na 44 buwan matapos tumalon sa 6.1% ang inflation rate kasabay ng sunud-sunod na oil price hikes, pagtataya ng Philippine Statistics Authority (PSA).

 

 

Ito’y matapos nitong maungusan ang 5.4% inflation rate na naitala nitong Mayo, na noo’y pinakamataas simula noong Nobyembre 2018.

 

 

“Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa ay bumilis sa antas na 6.1% nitong Hunyo 2022,” ayon sa pahayag ng PSA, Martes.

 

 

Ang dahilan ng mas mataas na antas ng inflation nitong Hunyo 2022 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages. Ito ay may 6.0% inflation at 58.3% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.”

 

 

Labis-labis pa rin ito sa 2-4% na target ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Dahil dito, tumuntong na sa 4.4% ang average inflation mula Enero 2022 hanggang Hunyo 2022.

 

 

Huling mas mataas ang inflation noong Nobyembre 2018, kung kailan umabot ito sa 6% na siyang labis na nagpataas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.

 

 

Ang pangalawang commodity group na nagpakita ng mas mataas na inflation noong nakaraang buwan ay ang sektor ng transportasyon, na may 17.1 inflation at 31.7% share sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa bansa.

 

 

“Ito ay dahil sa mas mabilis na pagtaas ng presyo ng Gasoline, na may 53.9% inflation; Other Passenger Transport by Road, tulad ng pamasahe sa jeep, na may 2.7% inflation; at Diesel, na may 92.5% inflation,” patuloy pa ng PSA.

 

 

Matatandaang lumobo sa lagpas P80 hanggang P90/litro ang presyo ng gasolina noong Hunyo. Sa monitoring ng Department of Energy noong buwang ‘yon, umabot na sa P30/litro (gasolina), P45.9/litro (diesel) at P39.75/litro (kerosone) ang year-to-date adjustments.

 

 

Sa tuwing tumataas ang presyo ng produktong petrolyo, kalimitang tumataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin na kailangang i-transport sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

 

 

Dahil dito, Hunyo lang nang sabihin ng transport group na PISTON na isa sa limang tsuper ng jeep na ang naka-tigil pasada, lalo na’t nasa P200 hanggang P300 na lang daw ang naiuuwi nilang kita sa araw-araw.

 

 

Kaugnay nito, humirit tuloy ng P2 dagdag sa minimum pasahe sa jeep ang mga tsuper, dahilan para maaprubahan ang nasa P11 provisional na pasahe sa buong Pilipinas.

 

 

Sa kabila nito, bumaba naman ng P3/litro ang presyo ng diesel ngayong araw matapos ang limang sunod na linggo ng pagtataas.

 

 

Ang lahat ng ito ay natataon sa patuloy na pagbulusok ng halaga ng piso kontra dolyar, na siyang pinakamababa sa mahigit 16 taon noong nakaraang buwan. Kadalasang epekto ng peso depreciation ang mas mataas na halaga ng foreign goods ang services sa mga Pilipino gaya na lang iniaangkat na langis.

Other News
  • Pope Francis nanawagan ng ceasefire sa nangyayaring gyera sa Hamas-Israel

    MULING  nanawagan si Pope Francis nitong Linggo na wakasan na ang labanan ng Hamas-Israel, hinihimok ng Santo Papa na palayain na ang mga hostage at payagan na ang huminatarian aid para sa Gaza. Ayon kay Pope Francis matapos ang traditional Angelus prayer sa Saint Peter’s Square sa Rome, patuloy niyang iniisip ang seryosong sitwasyon ngayon […]

  • DSWD, nagbukas ng e-payment bilang alternative mode para tumanggap ng cash donation

    TUMATANGGAP na ngayon ang  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng payments at donasyon sa pamamagitan ng  LANDBANK Link.BizPortal, isang  e-payment facility na pinapayagan ang mga kliyente at partners ng DSWD na makapag- transact ng  business at/o bayaran ang kanilang  monetary obligations via online mode.     Sinabi ni DSWD Secretary Erwin T. Tulfo […]

  • AGE RESTRICTION, OKEY SA DOH

    PABOR ang  Department of Health (DOH)  sa direktiba ni  Pangulong Rodrigo Duterte  na manatili sa kasalukuyang age  groups ang papayagang makalabas ng kanilang mga tahanan.   Ayon sa DOH, ito ay upang mabigyan ng panahon ang kagawaran para sa dalawang cycle ng genome sequencing na may sapat na representasyon mula sa lahat ng mga rehiyon […]