• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Humanitarian aid mula sa EU, iba’t-ibang bansa, aabot na ng P182-M: UN

Nakaipon na ang United Nations ng P182 million mula sa pagtutulungan ng European Union, Sweden, Australia, United States, Germany at Zealand para umagapay sa typhoon response ng Pilipinas.

 

Ang nasabing humanitarian assistance ay makakatulong sa halos 260,000 Pilipino na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

 

Sinabi ni UN Resident Coordinator and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzalez, sa pamamagitan ng suportang ito mula sa mga resource partners ay nagpapatunay lamang ng international solidarity ng mga bansa para tumulong na muling makatayo ang mga bansa na nangangailangan ng suporta.

 

Nakalikom ang Humanitarian Aid Department of the European Commission (ECHO) ng P74 million, habnag ang Australian Government naman ay nagbigay din ng P33 million sa pamamagitan ng World Food Programme (WFP), UN Population Fund (UNFPA) at Family Planning Organisation of the Philippines (FPOP).

 

Nag-abot na rin ang Sweden ng P67.6 million sa pamamagitan naman ng Save the Children, National Council of Churches in the Philippines (NCCP) at Plan international.

Other News
  • 3 kulong sa P340K shabu sa Valenzuela

    NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.3 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa tatlo umanong drug personalities na naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jimmy Iligan, 46, construction […]

  • CARL, bilib na bilib kay Mayor ISKO at paniwalang mananalong Pangulo; maraming isa-sakripisyo sa pagtakbo bilang Senador

    NANINIWALA si Dr. Carl Balita na marami siyang magagawa at matutulungan bilang Senador, lalong-lalo na pagdating sa kalusugan at edukasyon na sa tingin niya ay talagang napag-iiwanan na tayo.          Pahayag niya, “I am the only nurse and teacher in the senate running. I am one of the three with the professional licence […]

  • 3 timbog sa baril at halos P.2 milyon shabu

    Tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot ang arestado matapos makuhanan ng baril at halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng umaga.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Eyahn Galverio, 31, Rosylynjoy Luching, 21, at […]