• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

70 kaso pa ng Omicron subvariants, natukoy

PATULOY ang pagtaas ng COVID Omicron nang madagdagan pa ng 70 bagong kaso ng BA.4, BA.5 at BA2.12.1 subvariants, ayon sa Department of Health.

 

 

Sa naturang bilang, 43 ang BA.5 cases, kabilang ang 42 local cases at isang Returning Overseas Filipino (ROF).

 

 

Lima sa mga bagong kaso ang mula sa Region 1; pito sa Region 4-A; tig-isa sa Regions 4-B, 5, 7, 8, 10 at Cordillera Autonomous Region, dalawa sa Region VI, at 21 sa National Capital Region (NCR).

 

 

May pito ring bagong BA.4 cases ang natukoy na pawang local cases. Dito ay anim sa Region 5 at isa sa NCR.

 

 

Nakapagtala rin ng 20 BA.2.12.1 cases.

 

 

May kabuuang 190 kaso ng Omicron variant of concern ang naitala sa whole genome sequen-cing run na isinagawa mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.

 

 

Bunsod ng mga naturang bagong kaso, ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong Omicron cases sa buong bansa ay nasa 7,919 na.

 

 

Kinalma naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko nang sabihin na wala silang naitalang namatay sa mga kaso ng Omicron sub-variants. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM pinarerebyu ang disaster response

    NAIS  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na rebyuhin ang mga standard operating procedures (SOPs) upang lumikha ng pare-pareho at magkakaugnay na diskarte sa panahon ng kalamidad.     Sinabi ni Marcos sa meeting ng Gabinete kahapon na dapat irebyu ang mga SOPs kapag may warning at kung ano ang mga dapat gagawin kapag mayroong […]

  • Pondo ng mga Olympic bound athletes nailabas na – PSC

    Inilabas na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga allowances ng mga atleta at coaches na sasabak sa Tokyo Olympics.     Ayon sa PSC na nailabas na nila ang allowances ng mga atleta para sa buwan ng Enero habang kasalukuyang pinoproseso ang allowance nila ng Pebrero.     Kapag naisumite na ang mga kakailanganing […]

  • PSC inilabas na ang P3.3-M pondo para sa lalahok ng Beijing Winter Olympics

    INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang paglabas ng P3.3 milyon para sa mga lalahok sa Beijing Winter Olympics na magsisimula sa Pebrero 4.     Kinumpirma ito ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na siyang nag-request ng pondo.     Tanging si Filipino-Americna alpine skier Asa Miller ang nag-iisang manlalaro ng bansa […]