• April 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang overcharging na nangyari sa gitna ng iniuutos nitong refund sa mga customers ng Meralco -ERC

BINIGYANG-diin ng  Energy Regulatory Commission na walang overcharging na nagawa ang Manila Electric Company (MERALCO) kasunod ng kautusang ibalik nito ang labis na singil na nakuha nito mula sa kanilang customers.

 

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera na hindi naman overcharging ang nangyari at sa halip ay  diperensiya lamang sa kanilang naging projection noon  at base sa aktuwal na pinagbabayaran ng MERALCO.

 

 

Aniya, kadalasan talaga  ay nagkakaroon  ng diperensiya at wala aniyang mali ukol dito.

 

 

Tinatayang, aabot sa 21.769 billion pesos ang iniutos ng ERC  na i-refund sa mga customers nito partikular dulot ng overcollection mula July 2015 hanggang June 2022.

 

 

Base sa 68-page ERC order na may petsang June 16, 2022, kailangang mag-reflect na sa July billing ng mga customers  nito ang refund. (Daris Jose)

Other News
  • Maging ‘aware sa umiiral, umuusbong na mga banta

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 39 na newly promoted officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging aware sa umiiral at lumilitaw na banta laban sa bansa.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang oath-taking ceremony ng mga newly promoted AFP generals at flag officers, sinabi ni Pangulong […]

  • Mt. Kanlaon, sumabog; 5000-meter plume, naitala – Phivolcs

    NAGLABAS  ng alerto ang Mt. Kanlaon na matatagpuan sa Negros Island.       Sa ongoing eruption at Kanlaon Volcano, nakita ang nalikhang 5,000-meter plume.     Ayon sa Phivolcs, tumagal ng anim na minuto ang pagsabog bandang 6:51 ng gabi na sinundan ng malalakas na volcanic-tectonic earthquake.       Dahil dito, nananatili ang […]

  • COVID-19 cases sa bansa lampas 348,000 na, patay halos 6,500

    TULOY-TULOY pa rin ang trend ng pag-akyat ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa sa pagpasok nito sa ika-30 linggo ng quarantine.   Umabot na kasi sa 348,698 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 2,261 cases ngayong hapon.   Sumabit na riyan ang tally ng Department of Health (DOH) […]