• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First four official entries ng MMFF 2022, inilabas na: VICE at COCO, muling magtatapat sa takilya at lalaban din si IAN at TONI

SA Christmas season, tiyak na ‘Balik Saya’ na naman ang 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) na kung saan inilabas na ang first 4 official entries.

 

 

Kinabibilangan ng first 4 MMFF 2022 official entries na base sa script submission:

 

1. LABYU WITH AN ACCENT (ABS-CBN Productions, Inc)

Director: Rodel P. Nacianceno, Writer: Patrick Valencia

Starring: Coco Martin & Jodi Sta. Maria

 

2. NANANAHIMIK ANG GABI (Rein Entertainment Productions)

Director & Writer: Shugo Praico

Starring: Ian Veneracion, Mon Confiado & Heaven Peralejo

 

3. PARTNERS IN CRIME (ABS-CBN Film Production Inc & Viva Films)

Director: Cathy Garcia-Molina, Writer: Enrico Santos

Starring: Vice Ganda & Ivana Alawi

 

4. THE TEACHER (TEN17P)

Director: Paul Soriano, Writer: Emma Villa

Starring: Joey de Leon & Toni Gonzaga

 

Ang deadline ng finished film submission (na kung saan pipiliin ang apat pa na official MMFF entries) ay sa September 2 (for early birds submission) at September 30 (regular submission).

 

 

Nakaka-excite ang pagbabalik ni Vice Ganda sa MMFF, na palaging topgrosser ang entries na kung saan makatatapat niya si Coco Martin na balik-filmfest din.

 

 

Idagdag pa ang kaabang-abang na tambalan nina Joey de Leon at Toni Gonzaga. Matatandaan na topgrosser sa MMFF 2021 ang horror comedy na The ExorSIS nina Toni at Alex Gonzaga.

 

 

Winner din ang pagtatambal nina Coco at Jodi Sta. Maria, ganun ang tandem nina at Ivana Alawi, tiyak na patok at riot ito.

 

 

For sure, ‘di patatalo ang movie nina Ian Veneracion na sex and violence naman ang tema.

 

 

Two months from now, malalalaman na ang kukumpleto sa Magic 8 ng MMFF 2022, na inaasahan na magiging exciting entries din tulad ng first four entries.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads January 15, 2020

  • Mental Health Emergency, pinadedeklara

    BUNSOD na rin sa naiulat na pagtaas sa bilang ng mga estudyanteng nagpapakamatay, nanawagan ang Kabataan Party List  kay Pangulong Bongbong Marcos na magdeklara ng Mental Health Emergency.     Nag-aalala rin ang partylist sa report ng Department of Education (DepEd) sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education na nasa total na 404 […]

  • DOH sa publiko: Banta ng COVID- 19, ‘di pa humuhupa

    PINALAGAN ni Department of Health (DOH) Secretray Francisco Duque ang ulat na unti-unti nang humuhupa ang banta ng COVID-19 at nagiging stable na ang sitwasyon sa mundo.   Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ni Sec Duque, hindi pa sapat ang mga datos at pabago-bago pa ang sitwasyon para sabihing nagiging mabuti na ang […]