PAGBAWI SA PRODUKTONG NOODLES, INIIMBESTIGAHAN
- Published on July 11, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Food and Drug Administration (FDA) sa ulat ng pagbawi o pag-recall sa isang produkto ng noodles .
Sa inilabas na FDA Advisory ni Officer in Charge Director General Dr.Oscar Gutierrez, Jr para sa mga konsyumer, sinabing nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa food business operator upang suriin ang kanilang compliance.
Ito ay nakaraang natanggap ang ulat hinggil sa kasalukuyang ‘recall’ ng mga batch ng produktong ‘Lucky Me! Instant Pancit Canton Noodles’ sa European countries at Taiwan dahil sa pagkakaroon o presensya ng ethylene oxide sa nasabing produkto.
Sa Pilipinas , ang nasabing produkto na rehistrado sa FDA ay manufactured locally ng Monde Nissing Philippines.
Ayon sa FDA, para sa kaalaman ng publiko, ang ethylene oxide ay processing aid na ginagamit para ma-disinfect ang mga herbs at spices.
Upang masiguro na protektado ang kalusugan ng publiko, ang paggamit ng ethylene oxide para sa mga layunin ng sterilizing sa pagkain ay hindi pinapayagan sa European Union (EU).
Gayunman, maaaring may bakas pa mula sa mga sangkap o raw materials. Nagtakda ang EU ng maximum residue levels sa napakababang antas batay sa uri ng commodity, ayon pa sa abiso ng FDA. (Gene Adsuara)
-
Ads July 19, 2023
-
PSC tiwalang bubuhos ang suporta sa Pinoy athletes
Umaasa si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey na bubuhos ang suportang pinansiyal para sa sports program ng mga atleta. Maningning ang kampanya ng Team Philippines sa Tokyo Olympics kung saan sigurado na ang Pilipinas na makapag-uuwi ng apat na medalya tampok ang gold-medal performance ni Hidilyn Diaz. Kaya naman […]
-
Sec. Roque, naka-isolation
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na siya ay naka- isolation makaraang ang isa sa miyembro ng kanyang staff ay nagpositibo sa Covid-19. Negatibo naman si Sec. Roque nang sumailalim sa pathogen test. Sa kabila ng naka-isolation ay sasama naman si Sec. Roque sa Inter-Agency Task Force against COVID-19 meeting mamya sa pamamagitan ng […]