Higit 1 milyong 4Ps beneficiaries, aalisin mula sa listahan—DSWD Sec. Tulfo
- Published on July 12, 2022
- by @peoplesbalita
AALISIN mula sa listahan ang kulang-kulang isang milyong beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo, bahagi Ito ng gagawing paglilinis ng departamento sa nasabing listahan.
Aniya, aabot ng tatlo hanggang apat na linggo ang gagawing paglilinis ng DSWD sa nabanggit na listahan, na mayroon aniyang 4.4 million beneficiaries.
“Wala pa akong exact figure pero initially ang sabi sa akin ay halos isang milyon ang aalisin natin sa listahan,”ayon kay Tulfo.
Ani Tulfo, ang bakanteng slots para sa conditional cash transfer program ay ibibiigay sa mga bagong benepisaryo lalo pa’t maraming aplikante ang nasa “waiting list.”
Tinukoy ang survey na ginawa ng DSWD, sinabi nito na may 15 milyong katao ang ” below the poverty line” sa bansa.
Sa kabilang dako, inatasan naman siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na linisin ang listahan ng mga benepisaryo sa gitna ng ulat na may ilang 4Ps beneficiaries ang “well-off” at ginagamit na lamang sa sugal ang cash assistance.
At para maipatupad ang kautusan ni Pangulong Marcos, sinabi ni Tulfo na magpapalabas siya ng “amnesty” call para sa mga unqualified beneficiaries na isuko ang kanilang accounts sa loob ng 30 o 60 araw o ipaghaharap ng kaso.
“Kasi parang estafa ‘yan kasi niloloko mo ang gobyerno ,” anito. (Daris Jose)
-
Malabon LGU, kinilala ng DILG sa paghahatid ng mga serbisyo
TUMANGGAP ng maraming parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon, sa pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval mula sa Department of Interior and Local Government-National Capital Region (DILG-NCR) para sa epektibo at mahusay nitong paghahatid ng mga programa para sa kapakanan, kaligtasan, at pagpapabuti ng buhay ng mga Malabueño. “Isang karangalan para sa pamahalaang lungsod ang […]
-
Anak ni Pacquiao nagpakita ng talino
NILADLAD ng ng anak ni eight-division world boxing champion, Sen. Emmanuel Pacquiao na si Michael Pacquiao nang tamang masagot ang pito sa Walong tanong upang mapremyuhan ng P45K sa Eat Bulaga Bawal Judgmental TV noontime show nitong Miyerkoles, Disyembre 2. Umiskor ang Ingleserong bata na ipinakilalang rapper art artist ng 3-of-4 sa opening stanza […]
-
DepEd, umaasa: bilang ng mga enrollees tataas pa hanggang sa buwan ng Nobyembre
UMAASA pa rin ang Department of Education na tataas pa ang bilang ng mga estudyante na magbabalik -eskwela ngayong taon. Sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones, batay sa inilabas nilang polisiya, maaari pa ring tumanggap ang mga paaralan ang mga late enrollees hanggang sa buwan ng nobyembre. Ngayon aniyang unti-unti nang binubuksan ang […]